I'm wearing a pink spaghetti strap top at pinaresan ko ng black dolphin shorts. Ang buhok ko ay basta ko nalang tinirintas ng isahan. Magulo pa nga ito kaya nag bagsakan ang ilang hibla sa gilid. Pagbaba ko ay pumwesto na ulit ako sa couch. Naka unan ako sa hita ni Roccel habang naka luhod sa gilid ko si Zandara. Pinunasan muna niya ng wipes ang kilikili ko. Hindi ko mapigilang mapahalakhak dahil nakikiliti ako. "Paki video nga ito sister at ng may pang upload ako sa vlog ko. Makikita ng mga supporters ko na hawak ko ang mala labanos na kilikili ng sinasamba nilang si Devi" tawa ng tawa si Zandara. Sinunod naman siya ni Aira at tinotoo ngang naka video. "Wag mo masyadong iexpose ang kilikili ko abaaa" pagbabawal ko dito. Sukat ba namang itapat mismo sa mga buhok ko. "At ayan nga po,

