"Taavi, may barya ka diyan? Pahinging limang piso yung luma!" sigaw ni Jomar kay Taavi. Nasa gilid lang kasi ito ng pool at pinapanuod kami kasama si kuya Jeff. Mukhang mga walang balak maligo. Dumukot naman sa bulsa nito si Taavi. Inilabas nito ang kulay itim na coin purse. At saka binalibag kay Jomar ang barya na mabilis nitong nasapo. "Oy tara laro! Agawan ng barya. Boys vs Girls oh, ano, palag?" lumapit ito sa amin habang hawak ang baryang binigay ni Taavi. "Sa girls ako kampi" si Zandara. "Sige diyan ka na. Sirena ka naman eh" tatawa tawa pa itong sumagot. Inirapan nalang siya ni Zandara. "Lima kami, Apat kayo. Ge fair na." si Roccel. Lumingon naman si Jomar sa gawi nila Taavi. Si Kuya Jeff nalang ang nakaupo doon. Hinanap ng mga mata ko si Taavi at nandoon na pala ito sa tapat

