The food was delicious! Halatang mga mamahalin ang pagkain, hindi ito iyong mga typical catering foods. Ang pinaka naenjoy ko ay ang baked oysters. It was a holy grail for me. Halos iyon nga lang yata ang nakain ko. Nakailang balik pa si Taavi para maikuha ako noon. Thankful naman ako sa alipin ko. Tumulong kaming mag ligpit sa gym pagkatapos ng party. Maging ang mga instruments ay naipasok na namin. They are all cleaned and sanitized. At ngayon ay naka sakay kami sa mga kotse dahil papunta kami sa bahay nina Sir Judd. Doon kami mag didinner. Nakapangako samin si sir na once matapos ang party ay sa bahay nila kami didiretso. It was a 30-minute drive daw. Naka upo ako sa passenger seat ng kotse ni Taavi. Sa backseat ay sina kuya Jeff at Cyan. Yes, Cyan's with us! Kaloka, diba? Hindi pa

