"Hey sleepyhead wake up!" bungad ni Jigger na hinalikan sa labi ang nobyang naka tulog na sa upuan sa pag-aantay sa kanya sa meeting. Nasa shop ito ng Tita Megan n'ya para mag sukat ng damit na susuotin para sa birthday nilang quadro bukas pero ang party gagawin the day after tomorrow, kaso medyo naipit s'ya sa traffic kaya late na s'ya sa oras ng usapan nila na mag kikita. "Naku napaka tagal mong dumating kanina pa yan antok na antok pag pahingahin mo naman ang jowa mo, maawa ka na pagod na sa rehersal n'ya inaararo mo pa yata gabi-gabi." "Tita." bati naman ni Jigger sa tita na lumabas mula sa maliit na cubicle ng boutique nito sabay halik sa pisngi nito at nag mano na din. "Sabi ng staff ko halata daw na pagod na pagod si Kinsley ng dumating kaya halos hindi na daw naka pag sukat. An

