"Pagod ka na ba? Hindi ba masakit?" tanong ni Jigger na hinihimas ang tiyan ng asawa ng makabalik s'ya after mag bihis ng simpleng materniy dress dahil sobrang bigat ng wedding gown n'ya at na hihirapan s'yang kumilos sa reception nila sa hotel. Ngumiti naman si Kinsley na humawak din sa tiyan. "Hindi medyo masakit lang ang paa ko." "Patingin." agad na umalis sa kinauupuan si Jigger saka lumuhod sa harapan ng asawa. "Sana hindi ka na nag sapatos." agad na senenyasan ni Jigger ang wedding coordinator nila na agad naman na lumapit. Humingi s'ya ng pabor dito na baka puwedeng ihanap si Kinsley ng sapatos na kahit sneakers lang para lang hindi masaktan ang paa ng asawa or kahit flip-flops na lang tapos naman na ang mga pa event nila. Naka pag sayaw na sila kanina habang nag sasabit ang mga

