"Ang ganda." usal ni Kinsley habang naka tingala sa langit na punong-puno ng mga bituin ang kalangitan, nakahiga sila ni Jigger lounge chair habang tahimik na nakatingala sa kalangitan. "11am pa ang start ng convention ko bukas diba." "Oo, pero may mall visit ka by 8am bago mag open ang mall hour." "Cancel mo muna, i move mo ng 10pm." "Ha! bakit?" "Parang gusto kong mag beach early in the morning." "Ahhh okay." tango naman ni Kinsley saglit na namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Jigger na halatang malalim ang iniisip. From event nag yaya muna itong sa pool area daw muna sila dahil hindi pa ito inaantok. Mag a-alas dose na ng gabi. Ang totoo s'ya ang inaantok na pero hindi naman n'ya magawang tangihan ito ng mag yaya para kasing ang lungkot ng hitsura nito. Gusto rin n'yang

