Napabalikwas naman ng bangon si Jigger ng maulinigan na parang may nag susuka sa banyo kaya napatakbo s'ya roon at nakita si Kinsley na naka subsub na sa bowl. Nag mamadali naman s'yang lumapit rito at hinawakan ang buhok nitong naka sabog na. Nag angat ito ng ulo at napatingin kay Jigger bago muli itong nag suka. Matagal pa itong nag stay bago ito tumayo tumawag naman agad ng in house doctor si Jigger dahil napansin n'ya na sobrang putla ng dalaga at ang lamig ng katawan nito. "Hindi ka kasi kumain ng diner." paninisi pa n'ya rito ng maihiga ulit n'ya ito sa kama. "Tao ako hindi ako kambing." mahinang reklamo ni Kinsley na muli ng pumikit at tumagilid ng higa. "You need to eat veggies paano babalik ang paningin mo kung puro ____." "Hindi na babalik ng maayos ang paningin ko kahit paka

