Hanggang kinabukasan ay palaisipan pa rin kay Linus ang engkwentro kahapon. Totoo kaya talagang witch siya? isip niya habang nakatingin sa maliit na botelya. Matapos niyang makitang wala na ang matanda, tumawid siya pabalik at hinanap ito. Baka kako nag-empake na dahil binigyan niya ng limang daan. Pero hindi niya nakita. Besides, ganoon lang ba talaga kabilis ligpitin ang paninda nito? Ilang segundo lang siyang tumalikod, ah? Napailing-iling na lang si Linus saka binulsa ang botelya. Hindi ito ang oras para isipin ang tungkol doon. Naka-duty kasi siya nang oras na iyon. May requirement kasing 150-hour hospitality service ang curriculum ng HRM department. Bale, magtratrabaho sila sa kahit anong establishment na pag-aaari ng school nila. He chose Maid of Orlean’s Cafe, na matatagpuan ma

