"Sabi sayo eh,wag munang gawin"
Sermon sakin ni kieth , kasalanan ko ba kong nagseselos ako?! Yung selos na ayaw lumugar nakakairita!!
"Nasasaktan ako"
This time umiyak na ako dahil sa inis at selos. I really don't know what to do, gusto ko nalang mawala na parang bula, Kagaya ng ginawa niya sakin noon.
"Shhhhhh, tama na . Hindi na niya hawak braso mo"
Binatokan ko naman sya , nang-aasar eh , kahit anong pagdadrama natin kong may baliw tayong kaibigan matatawa ka nalang.
"Leche ka! Hindi braso ko ang masakit . Kundi ito oh, puso ko "
Sabi ko sabay turo sa nadudurog kong puso. ANG OA KO!!
"Yeah I know, Gusto lang kitang patawanin , ito c2 pampawala ng stress mo"
Binigay niya sakin ang c2 pero hindi ko ito kinuha.
"Ayoko na nyan ! Gusto ko mogu-mogu"
Tumayo sya kaya tumayo din ako .
"San ka pupunta? Iiwan mo lang ba akong wasak-wasak ang puso ? "
Sabi ko sa kanya habang nagdadrama ..
"Baliw ! Umupo ka dyan bago kita hampasin ng hollow blocks "
Pabiro niyang sabi ..
"Wag ! Masakit yun , saan ka kase pupunta?"
Pangungulit ko sa kanya .
"Oa nito , bibili lang ako ng mogu-mogu"
Pagkatapos niyang sabihin yun umalis na sya . I'm so thankful kase di niya ako iniwan masaya ako kase may best friend akong mabait na Hindi pinagkalooban ng kagandahan Haha joke lang kieth . Kahit sadista yun minsan lab na lab ko yun . Kinuha ko yung notebook ko . Buti nalang dinala ko'to .
--
06.06.20**
Dear Ex-boyfriend ,
Alam mo bang nasasaktan ako ? Nasasaktan ako sa ginagawa mo T__T akala ko ba snob ang peg mo pero ba't ganun? Bakit ganun ka sa lecheng babaeng yun ?!! Anong meron sa kanya na wala sakin ? Maganda naman ako,sexy tsaka matalino hahahaha joke :3 May nagawa ba akong Mali? Sabihin mo :(
-E.A
-
Binalik ko ulit sa bag yung notebook ko , Ansariwa ng hangin dito sa tambayan namin ni bakla may malaking puno , medyo malayo sa school at nakapa peaceful nakakapag-Isip ako ng maayos .
*pssst *
Ibang klaseng huni ng ibon parang sumisitsit .
*psssstt ,psssssttttt *
Teka? Feeling ko hindi na sya ibon , tae ! Lumingun-lingon ako Baka pinagtritripan ako ni kieth bubugbugin ko talaga sya .
"Adik ka bakla"
Bulong ko sa sarili. Alam kong Hindi si bakla ang gumawa nun . Lecheng kapreng to mukhang napaaga ang dating . Teka? May kapre ba talaga dito?
"Ahhhhhhhhhhhhhhh"
Sumigaw ako ng sobrang lakas . Hindi ako makakilos , kase may nakibiting paa , sa gulat siguro ng kapre biglang nahulog ! Teka ? Kapreng nahuhulog ?!
"Aray, ansakit ng pwet ko "
Pagrereklamo niya , loko Hindi naman pala sya kapre eh. Tao? nahulog sa puno? teka? ba't nandyan sya sa puno? trip niya ganun?
"Sino ka?! "
Bigla naman syang tumingin sakin . Aish , si matt pala .
"Pinagtitripan mo ba ako ?!"
Sigaw ko sa kanya. Gusto niya atang umupo sa lupa di pa kase sya tumayo eh.
"Hindi noh ! Anong pinagsasabi mo?!"
Asus tong loko nagdedeny pa sige deny pa more ..
" really bruh ? Really ?!! "
sarcastic Kong tanong .
"Di ako yun , natutulog lang ako ng bigla kang sumigaw Kay boom ! Nahulog ako "
Gusto kong maniwala pero ayaw ma process ng hypothalamus ko .
"Sinungaling !"
Sigaw ko sa kanya .
"Hindi nga ako yun ! Message tone ko lang yun !!!"
Naiirita niyang sabi . Teka hanudaw ?! Message tone ! Tukneneng matatakutin.
Biglang tumunog ulit phone niya this time kinuha niya phone niya at may binasang message.
"Oh my papa matt ! Ang pogi mooooo. What's happening here?"
Sabay kaming napatingin kay kieth . Lalapit na sana sya Kay matt ng bigla itong tumayo tsaka pinagpagan yung suot niya at umalis.
"Ay walk out ?"
Sabay naming sabi ni kieth . Bumalik kami sa pwesto namin at inabot niya naman sakin ang mogu-mogu. Andami palang nangyayari every minutes, seconds,hours sa ating buhay. Masyadong madrama utak ko. Diko alam kong kakayanin ko pa ang susunod na mangyayari!