"ANO?!" Tanong ko sa mga nurses na naatasang bantayan si Daddy. Hinilot ko ang aking sintido at huminga ng malalim. I'm trying to calm myself down. Muli kong tinitigan ang nakabukas na bintana at muling napaisip. Paniguradong umalis siya upang takasan ang kasalanang nagawa niya sa mga Ybañez. Kung ngayon ay matatakasan ito ng ama ko paniguradong hindi titigil si Alec lalo na si Attorney Issac sa pag hahanap sa kaniya. Ybañez are capable of ending someone's life, especially when that person hurt, or worst killed their family member. Pero hindi lang basta family member ang pinatay ng ama ko kundi ang isa sa mga tinuturing na reyna ng pamilya nila. "Where do you think did he go?" Tanong ni Greg na naka-igting ang panga. Umiling ako. "I don't know.." "Sophia, he's your father," it was Loui

