Harvey’s POV “Harvey, I want you to meet my Wife, Hailey.” Pagkatapos sabihin iyon ng kaibigan kong si Clifford ay siya namang pagpasok ng isang magandang babae. Napatda ako sa aking kinatatayuan at hindi ako makapaniwala sa babaeng nakatayo sa aking harapan. Ang mukha na kailanman ay hindi nawaglit sa aking isipan sa loob ng limang taon at sa tuwina’y pinapangarap na muling masilayan. Ang babaeng kay tagal kong pinananabikan na muling maikulong sa aking mga bisig. Ang babaeng nagturo sa aking tumawa at nagbigay ng matinding kasiyahan mula sa nakaraan. Dahil sa babaeng ito ay natuto akong mangarap na siyang nagpabago ng pananaw ko sa buhay, ngunit ang babaeng ito ang siyang ring pumatay sa lahat ng pag-asa ko sa buhay, si Cassandra. Ang nawawala kong Bride na nagdulot ng matinding k

