Clifford’s POV Nakangiti na pinagmamasdan ko ang mag-ina, problemado kasi ang mga ito sa kung anong damit ang pipiliin. “Kanina pa kayo diyan hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nakakapag decide?” tanong ko sa kanila bago lumapit sa mga ito. “Dada, anong kulay ba ang mas maganda?” Tanong sa akin ni Cassandra habang hawak ang dalawang bestida. Sa kaliwang kamay nito ay ang pink dress, samantala sa kanang kamay nito ay ang red dress. “Hm, I think mas bagay sa Prinsesa ko, pink.” Nakangiti kong sagot. “You're right, Dada, but Mommy always chooses the red one.” Nakasimangot na sabi ni Cassandra. “Then, let’s buy it all.” Nakangiti kong sagot. Biglang nagliwanag ang mukha nito at mabilis na lumapit sa akin. “Thank you so much, Dada.” Anya bago humalik sa aking pisngi. Bumaling nama

