Harvey’s POV “Boss, Okay na ang lahat, nakatulog na ang mga nagbabantay.” Sabi ng tauhan ko na nakatayo sa labas ng bintana ng aking sasakyan. Sinigurado n’yo ba na hindi na gumagana ang lahat ng CCTV?” Naninigurado kong tanong dito. “Don’t worry, Boss, tatlong beses kong chi-neck ang lahat kaya sigurado ako na pulido lahat.” Kumpiyansa nitong sagot sa akin. Mag alas-diyes na ng gabi at ngayon ay nandito ako sa loob ng kotse, nakaparada ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada na nasa harap ng bahay ni Clifford. Bumaba na ako ng aking sasakyan at parang balewala na naglalakad papasok sa loob ng bahay ni Clifford. Pagbukas ko ng pintuan ay bumulaga sa akin ang dalawang katulong na walang malay sa sofa. Nakatulog ang mga ito dahil sa ini-spray na pampatulog ng aking mga tauhan. Umakyat

