Don. Fernand POV “Tao po!” Naagaw ang aming atensyon mula sa taong kumakatok sa labas ng pintuan. Nagkatinginan kaming mag-asawa dahil sa labis na pagtataka, wala kasi kaming inaasahan na bisita ngayong araw. Magmula ng mag hirap kami ay nawala na rin ang mga inaasahan naming kaibigan, maging ang mga kamag-anak namin ay tila hindi na rin kami kilala o mas tamang sabihin na mababa na ang tingin ng mga ito sa amin. Ngayon ko nauunawaan kung bakit ayaw ng anak kong si Cassandra na makibagay sa mayayaman dahil ang mahihirap naming kapitbahay na walang-wala ay siya pang tumutulong sa amin. Sadyang mapagbiro talaga ang tadhana. “Dad, may inaasahan ba kayong bisita ngayon?” Ang tanong sa akin ni Almira na kalalabas lang ng kanyang kwarto. “Wala, Iha, baka si Christian ‘yan.” Sagot ko sa ka

