Harvey’s POV “Anak, tingnan mo tapos na ang wedding invitation n’yo ni Patricia.” Anya ng aking ina, nagulat ako sa sinabi nito at halos magsalubong ang mga kilay ko. “Mom! Ilang ulit ko bang sasabihin na tigilan n’yo na ako, walang kasalan na magaganap sa pagitan namin ng babaeng iyon.” May diin kong wika upang malaman nito na seryoso ako sa aking sinasabi. “Akala ko ba ay pumayag ka na? Naihanda ko na ang lahat at next Month na gaganapin ang kasal n’yo! Huwag mo akong ipahiya sa harap ng maraming tao Harvey!” Galit nitong sabi, napuno na ako at humarap sa kan’ya. “Mamili ka Mom, ang kasal na iyan? Oh ang apo mo na matagal mo nang pinapangarap?” Seryosong tanong ko sa kan’ya, namilog ang mga mata nito at natigilan itong bigla sa aking sinabi. “A-anong ibig mong sabihin?” Naguguluhan

