Chapter 1

2003 Words
“May isang oras na akong nakatayo sa bintana ng aking kwarto, kanina ko pa sinisilip ang gwapong mukha ni Christian. Ito kasi ang ultimate crush ko, sa edad na labing-anim ay umiibig na ang batang puso ko. Ang masaklap nga lang ay wala ng pag-asa ang nararamdaman ko para sa binata, sapagkat ang lalaking pinagpapantasyahan ko ay boyfriend na ng Ate ko. Kaya hanggang tanaw na lamang ako sa kan’ya at ang masakit pa ay kapatid lang din ang turing nito sa akin. Oo, masakit ngunit wala na akong magagawa pa kundi tanggapin ang katotohanan na hanggang panaginip na lang ang lahat ng nararamdaman ko para kay Christian. Huminga ako ng malalim upang maibsan ang nararamdamang kabiguan sa aking puso, tumingin ako sa malaking salamin at pinagmasdan ko ang aking sarili. Sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang katulad ko, sa pananamit palang ay di hamak na gwapo na akong tingnan kaysa kay Christian. Mahaba man ang buhok ko ngunit lagi itong nakatali at natatakpan ng suot kong sumbrero. Hindi naman ako tomboy ngunit likas na sa akin ang manamit ng ganito simula noong bata pa lang ako. “Chillax Cassandra, ikaw lang yan! Ano pa at naging Cassandra ang pangalan mo kung magiging mahina ka.” Ang sabi ko sa aking sarili mula sa salamin, bago ngumiti ng matamis. Maraming nagsasabi na maganda ako pero hindi ako naniniwala kasi kung maganda ako e, bakit hindi ako ang nagustuhan ni Christian at mas pinili pa nito si Ate Almira? Napabuntong hininga na lang ako ng malalim bago magdesisyon na lumabas na ng aking kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong papasok na ng bahay ang kapatid ko kasama ang kan’yang nobyo na si Christian magkayakap pa ang dalawa. “OUCH! Double kill,” ang nasambit ko sa aking isipan pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko. Pasimple kong hinawi ang nararamdaman kong sakit at inihanda ang pinakamaganda kong ngiti. “Kailan ba kayo maghihiwalay? Ang sakit n’yo sa mata eh!” Ang nakangisi kong tanong sa kanilang dalawa. “Cassandra...” ang tawag ni ate sa aking pangalan na may halong babala. Madalas ko kasi itong asarin, isa yan sa ugali ko ang idaan sa biro ang sakit na nararamdaman ko. “Babe, ano bang nakita mo d’yan sa Ate ko at s’ya ang niligawan mo?” Ang tanong ko kay Christian habang nag taas-baba ang aking kaliwang kilay, matalim na tingin naman ang ipinukol sa akin ni ate. Natatawa namang lumapit si Christian sa akin at kinurot ang kanan kong pisngi, normal na sa amin ang ganitong eksena. “Ikaw talaga bunso wala ka ng ibang gawin kundi asarin ang Ate mo.” Ang malambing nitong wika bago binitiwan ang aking pisngi saka lumapit muli kay ate at yumakap sa baywang nito. Parang gusto ko ng maiyak ng mga sandaling ito dahil sa paglalambingan ng dalawa sa mismong harapan ko. Pumihit ako patalikod sa kanilang dalawa upang hindi ko na makita pa ang nakakainggit na eksena. “Basta babe, pag ayaw mo na sa ate ko nandito lang ako sasaluhin kita.” Ang pabiro kong sabi sa kanila na may halong katotohanan na tanging ako lang ang nakakaalam, ngunit hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbato ni ate ng unan na tumama sa aking mukha. “CASSANDRA!” Ang seryosong tawag ni ate habang matalim ang tinging ipinupukol nito sa akin “Ate dear naman di ka na mabiro,” “Kapag hindi ka pa umalis vase na ang sunod na tatama sa mukha mo!” Ang napipikon nitong sabi. “Sabi ko nga aalis na ko, bye babe!” Ang sabi ko pa kay Christian bago mabilis na tumakbo palabas ng bahay, narinig ko pa ang malakas na tawa ni Christian. “Ang tagal mo naman Cass, kanina pa kami naghihintay sayo dito.” Si Ron na siyang nag-iisa kong bestfriend, mula siya sa isang mahirap na pamilya ngunit para sa akin ay hindi na big deal ‘yon. “Sorry, kumpleto na ba ang lahat?” Seryoso kong tanong sa kan’ya habang naglalakad kami patungo sa hideout ng barkada. “Oo, ikaw na lang ang kulang.” Hindi ako katulad ng ibang teenager na mahilig sa mga materyal na bagay lalo na sa mga pampaganda, never ko pang naranasan na magsuot ng bestida or maikling short. Noong mga bata pa kami ang kapatid ko ay mahilig sa mga barbie at magagandang damit, maging sa mga alahas. Dahil mayaman ang pamilya ko lahat ng luho nito ay naibibigay ng aming mga magulang. Ako? Imbes na barbie ay toy gun ang mga hilig ko, kapatid ko nag-aaral ng Ballet dance, ako? Martial arts ang inaaral ko. Puro mayayaman din ang kaibigan ni Ate Almira, ako!? mas gusto kong kaibigan ang mga batang lansangan. Sumuko na rin sa akin sina daddy at mommy kaya hinayaan na lang nila ako sa mga gusto kong gawin, ngunit halos araw-araw naman ay laging present ang sermon nila sa akin. Nakarating na kami sa isang bakanteng lote at nakita ko na naroon na ang lahat ng mga kaibigan ko na pawang mga lalaki. Mas masaya kasi ako kapag mga lalaki ang kaibigan ko hindi ako komportable sa kaartehan ng mga kapwa ko babae. “Sorry guys, nakalimutan ko kasi ang usapan natin, don’t worry bawi na lang ako sa sunod.” Anya sa kanila na hindi nawawala ang ngiti sa aking mga labi. “Ok lang yan, ano, simula na tayo?” Si Ron na tinapik ang aking balikat. “Oo bha! Don’t worry sagot ko naman ang meryenda n’yo.” Ang nakangiti kong sabi sa kanila. “Yon! Yan ang gusto namin sayo eh, galante!” Ang sabi nila na kababakasan mo ng kasiyahan ang kanilang mga mukha. Ito ang masarap kasama mga totoong tao masaya na sila sa isang simpleng bagay na maibibigay mo para sa kanila. Halos lahat kasi sa kanila ay mahirap lang at walang kakayahang bumili ng masarap na pagkain, ang iba pa nga ay hindi na nakapag-aral. Inilabas nila ang mga baril-barilan na binili ko pa para sa kanila, na kung titingnan mo ay parang mga totoong baril. Dahil mga bata pa kami ay hindi pa kami pwedeng humawak ng totoong baril, kaya nagtatyaga muna kami sa mga toy gun. Kinargahan ko na ng bala ang machine gun ng aking baril at sinimulan ng ikasa iyon. Limang lata ang hinagis ni Ron na magkakasabay kong inasinta lahat sapol kaya nagpalakpakan ang mga kaibigan ko. “Wow grabe ang galing mo Cass!” Ang humahangang wika ni Cristoff sa akin. “Syempre tayo pa ba.” Ang sabi ko sa kanila sabay kindat, habang ang iba naman ay sumisipol pa. Wala namang nagkakamali na mambastos sa akin dahil ‘yong mga sumubok na mambastos sa akin ay sa hospital ang bagsak. Kaya ganun na lang ang galit sa akin ni daddy dahil siya ang nagbabayad ng mga danyos at hospital bill ng mga nabugbog ko. Nakita ko sina Ron na nagsuot ng makakapal na jacket kaya napakunot noo ako. “Tsk... tsk... tsk, huwag mong sabihin na nakalimutan mo na naman!?” Ang hindi makapaniwalang tanong nito akin. “s**t, now na ba yon!?” Dahil sa masyado akong naging abala sa nararamdaman ko para kay Christian ay nakalimutan ko na ngayon pala kami maglalaro ng target shooting game. “S-sandali lang promise mabilis lang to.” Ang sabi ko sa kanila at mabilis na akong tumakbo pabalik ng aming Mansion. Nang makarating ay kaagad akong pumasok sa kwarto ni daddy at mabilis na kinuha ang makapal na jacket na nakahanger sa kan’yang closet. Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang sukbit ko sa kanang balikat ang jacket ni daddy. “Cassandra saan mo dadalhin yan!?” Ang tanong sa akin ni Ate habang nakamasid lang si Christian sa bawat kilos ko. “Hiramin ko lang ate ibabalik ko rin.” Ang malakas kong sigaw habang tumatakbo palabas ng bahay. Nakita ko na napapailing na lang sa akin ang mga kasambahay namin. Nang makarating sa bakanteng lote ay humahangos pa ako na mabilis kong isinuot ang jacket ni daddy “Game!” Ang hinihingal kong sigaw. Naghati sa dalawang pangkat ang aming grupo, sa akin napunta si Cristoff at Charls ang iba naman ay nasa panig ni Ron. Nagkanya-kanya kami ng tago, dumapa ako sa masukal na damuhan na natatakpan ng matataas na talahib sinimulan ko ng gumapang habang alerto ako sa aking paligid. Ilang sandali pa ay tahimik na ang lahat at kapwa nagpapakiramdaman na lang kami sa isa’t-isa. Maingat kong itinaas ang aking kamay at tinutok ang baril sa nakatagong si Ron na walang kamalay-malay na nasa likuran na ako nito. “Ouch! s**t, ang sakit ha!” Ang malakas nitong sabi bago gumanti ng putok kaya nagsimula na kaming lahat na magpalitan ng putok. Nagtatawanan kami habang inaasar si Ron dahil sa maraming pantal nito sa katawan, maraming bullet kasi ang tumama sa kan’ya. Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa isang fast food upang kumain dahil nagutom kami sa paglalaro. Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila, kailangan ko kasing umuwi ng maaga dahil may homework pa ako na kailangan kong gawin. Magtatakip silim na kaya medyo madilim na ang paligid. Papasok na sana ako sa loob ng isang eskinita, isang shortcut na daan patungo sa aming bahay ng maagaw ang aking atensyon ng dalawang tao. Nakayakap ang babae sa katawan ng lalaki habang nasa gilid ng isang magarang sasakyan ang mga ito. “Wow astig! mukhang may live show dito ah.” Ang sabi ko sa aking isipan kaya huminto muna ako at sumandal sa isang puno habang magkasalikop ang mga braso ko sa ibabaw ng aking dibdib. Hindi naman nila makikita ang aking mukha dahil natatakpan ito ng suot kong sumbrero. Hindi man lang naramdaman ng mga ito ang aking presensya, nakita ko pa ng akmang hahalikan ng babae ang lalaki sa labi nito. Ngunit nagulat ako sa sumunod na nangyari ng makita kong malakas na sinampal ng babae ang lalaki. “Ouch! Ang naibulalas ko habang nakangiwi ang aking mukha, dahil sigurado ako na masakit ang isang ‘yon. Bumaling ang mukha ng lalaki sa aking direksyon dahil sa lakas ng sampal. Nakangiti naman ako habang kumakaway sa kan’ya na tila nang-aasar. Dahil may kadiliman na ang paligid ay hindi ko na maaninag ng malinaw ang mukha ng lalaki. Natatawa akong tinalikuran na ang mga ito. Ngunit natigil ako sa paghakbang ng may isang malaking kamay ang mahigpit na humawak sa aking kanang braso. “Excuse me! Pinagtatawanan mo ba ako!?” Ang sabi ng isang baritonong boses ng lalaki mula sa aking likuran, kaya nahinto ako sa paghakbang at sa aking paglingon ay ang seryosong mukha nito ang bumungad sa akin. Matangkad nga ang height ko na 5’6 sa edad kong ito ngunit mas matangkad pa rin ito sa akin dahil hanggang balikat lang ako nito. “Teka’ masakit ha! Bakit naman po kita pagtatawanan kung nasampal ka ng kachukchakan mo e, wala na akong pakialam doon. Nag-enjoy lang ako sa live show n’yo kaya nakangiti ako, kaya sige na po bitawan n’yo na ang braso ko, nasasaktan na po ako.” Para akong bata na nagrereklamo sa kan’ya habang pilit na nagpupumiglas. Natigilan ako ng ngumiti itong bigla kaya lumabas ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “So kanina mo pa kami pinapanood ganon!? Eh, kung halikan kaya kita d’yan para ma-experience mo ang sinasabi mong live show?” Ang nakangisi nitong sabi habang unti-unting bumababa ang mukha nito sa akin. Naalarma ako dahil talagang hahalikan ako nito kaya no choice ako kundi ang basagin ang kaligayahan nito. “s**t!” Ang sigaw nito habang nakahawak sa pagitan ng kan’yang mga hita, halos magtatalon ito sa sakit ng tuhurin ko ang nasa pagitan ng kan’yang mga hita. Sinamantala ko ang pagkakataon at mabilis na tumakbo palayo. “s**t! Humanda ka sa’king babae ka!” Ang nanggigigil nitong sigaw, dinilaan ko muna ito bago ako nagpatuloy sa pagtakbo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD