Cassandra’s POV
Natigil ako sa aking paghakbang ng makarinig ako ng mga boses na nag-uusap sa bandang likuran.
Nagtago ako sa likod ng mga halaman at hindi namalayan ng mga ito ang aking presensya.
“P-Patawarin mo ako Christian... k-kung kailangan na nating maghiwalay, labag man sa aking kalooban ngunit wala na akong magagawa dahil kailangan ako ng aking pamilya.” Boses ni Ate habang umiiyak ito. Nakadama ako ng awa para sa aking kapatid.
“No, h-hindi ako papayag, mahal na mahal kita Almira ikaw lang ang babaeng minahal ko buong buhay ko, kaya please, huwag mong gawin sa akin ito, para mo na rin akong pinatay kung iiwan mo ako.” Ang pagmamakaawa ni Christian sa aking kapatid.
Pakiramdam ko ay durog na durog ang puso ko sa mga sinabi ni Christian at hindi ko na makayanan pa ang nakikita kong paghihirap ng dalawa.
Mabilis akong tumakbo at hindi ko na napansin ang pagparada ng isang sasakyan sa harap ng aming bahay. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa luhang nagbabadya ng pumatak.
“S-sana ako na lang... sana ako na lang ang minahal mo... ang sakit naman.” walang tigil sa pagpatak ang aking mga luha, ang hirap pa lang maging broken hearted ngayon alam ko na kung bakit may nagpapakamatay ng dahil sa pag-ibig.
Dahil ngayon ko napagtanto na wala talagang pag-asa na mapansin ako ng lalaking iniibig ko.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at tanging mga punong saging lang ang nakikita ko.
Mabigat ang dibdib ko, dahil labis akong nasasaktan ng masaksihan ko kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa.
Inilabas ko ang sakit na aking nararamdaman sa mga puno ng saging, isa-isa kong pinag susuntok at sinipa ang mga ito hanggang sa kumalma na ang aking pakiramdam.
Ilang sandali pa ang lumipas ay hinihingal na tumigil ako, pinakiramdaman ko ang aking sarili, maluwag na ang aking dibdib at nakakahinga na rin ako ng maayos dahil nailabas ko na ang kinikimkim kong sakit.
Alam ko na lilipas din ang sakit na ito tulad ng nakasanayan ko ay mawawala rin ito.
Pinilit kong ngumiti at maging matapang, pumihit ako sa direksyon patungo sa aming Hacienda, ngunit sa pagharap ko ay sumalubong sa akin ang galit na mukha ni tatay Tasyo, umuusok ang ilong nito dahil sa matinding galit at kulang na lang ay kainin ako nito ng buhay.
Biglang nabura ang ngiti sa aking mga labi at muli kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid.
Tumambad sa akin ang lahat ng puno ng saging na nakatumba at ang ilan sa mga ito ay wasak na ang mga katawan nito tinalo pa ang bagyo sa laki ng pinsala.
Doon ko lang napagtanto na ang sagingan pala ni tatay Tasyo ang winasak ko.
“Punyeta kang bata ka! Ano bang kasalanan sayo ng mga saging ko para murderin mo ng ganyan!? Mapapatay kitang bata ka!” Ang galit na sigaw nito sa akin na siyang ikinaputla ng aking mukha.
Nakita ko itong kumuha ng isang mahabang piraso ng kahoy kaya mabilis akong kumaripas ng takbo, habang sa likuran ko ay humahabol sa akin ang matanda habang hawak ang mahabang pamalo nito.
“Tay sorry na po!” Ang sigaw ko sa kan’ya habang tumatakbo.
“Peste kang bata ka! Mabubuhay ba ng sorry mo ang mga saging ko!?” Ang galit na sigaw nito sa akin.”
Harvey Vanderberg POV
Pagkababa ko ng sasakyan ay inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid ng Hacienda ng mga Axford, maganda ang tanawin nakakaalis ng problema lalo na ang mga halaman na mukhang alagang-alaga.
Natanaw ko si Don. Fernand patungo sa aking direksyon,
“Kumusta Iho, mabuti at naisipan mong dumalaw dito sa amin, halina sa loob.” Ang nakangiti nitong bati sa akin.
“Maganda ang inyong Hacienda Don. Fernand kay sarap pagmasdan at sariwa pa ang hangin.” Ang nakangiti kong sabi sa kan’ya habang naglalakad kami papasok sa loob ng hacienda.
Pagpasok ko sa loob ay bumungad sa akin ang maaliwalas na sala’s, napakalinis ng buong paligid huminto ang aking paningin sa isang magandang babae na nakatayo sa tabi ng isang may edad na Ginang marahil ay ito ang asawa at anak ng Don.
“Iho, siya si Almira ang aking panganay na anak.” Pakilala nito sa panganay na anak.
“Ikinagagalak kitang makilala Mr. Vanderberg.” Ang mahinhin nitong wika.
Ngumiti ako sa dalaga at inangat ang aking kanang kamay upang makipag kamay dito.
“Harvey.” Ang pakilala ko sa kan’ya na inabot naman ng dalaga ang aking palad, pagkatapos ay naupo kami at sinimulan na naming pag-usapan ang tungkol sa aming kasal.
“Daddyyyyy!” Nasa kalagitnaan na kami ng aming mga plano tungkol sa kasal ng marinig ko ang sigaw ng isang matinis na boses ng babae.
Ilang sandali pa ay pumasok ang isang magandang dalagita, magulo ang buhok nito at hinihingal itong lumapit sa amin na bahagya pa itong namumutla.
“My God, CASSANDRA! not now...” ang mariing sabi ng Don na may halong babala.
Halos hindi ko na maalis ang aking mga mata mula sa pagkakatitig sa napakagandang mukha nito.
Lalo na sa natural na kulay rosas nitong mga labi, katamtaman ang pagkasingkit ng mga mata nito na biniyayaan ng mahaba at malalantik na pilik, bumagay din sa kan’ya ang matangos at may kaliitan nitong ilong, maging ang kan’yang makinis at maputing balat na kulay gatas ay tila kay sarap haplusin.
Tila ito isang Anghel na bumaba sa lupa at ng mga sandaling iyon ang lahat ay naging slow motion sa aking paningin, pakiramdam ko ng mga oras na ito ay naging abnormal ang t***k ng puso ko.
Ito pala ang bunsong anak ni Don. Fernand kahit napaka simple nitong tingnan sa suot niyang maong pants at white t-shirt ay nangingibabaw pa rin ang taglay nitong ganda., may bigla akong naalala sa dalaga dahil parang pamilyar ang mukha nito sa akin.
Natauhan lang ako mula sa matagal na pagkakatitig sa magandang mukha nito ng pumasok ang isang matanda na nagwawala sa galit habang may dala itong mahabang kahoy.
“Ano na naman ang ginawa mo Cassandra!? Ang galit na tanong ng daddy nito mababakas mo sa kan’yang mukha ang labis na kahihiyang sinapit.
Tahimik naman sa isang tabi ang dalagita at hindi ito makatingin ng diretso sa mata ng kan’yang Ama.
“Iyang magaling mong anak! winasak ang mga tanim kong mga saging...” Hinihingal ang matanda dahil sa matinding galit habang sinisikap itong awatin at pakalmahin ng mga katulong.
“P-papalitan ko na lang po ng bago.” Ang inosenting wika ng dalaga habang kinukurot nito ang mga daliri.
Gusto kong matawa sa kainosentihan nito at naaaliw akong pagmasdan ito.
Hindi ko na namalayan na nakangiti na pala ako, sakto naman na lumingon ito sa akin.
Makikita sa mukha nito na tila napahiya ito kaya matalim akong tiningnan nito bago ako dinilaan.
Halos hindi na ako makahinga dahil sa pagpipigil na huwag matawa ng malakas.
“Aba’t itong batang ito talaga! Akala mo ganun lang kadali na palitan ang mga tanim kong saging!?” nanggagalaiti sa galit na sabi ng matanda na akmang susugod sa dalaga.
Nagulat naman ako sa biglang ginawa ng dalagita ng yumakap ito sa aking baywang at nagtago sa aking likuran. Tila bultaheng kuryente ang bumalot sa buong pagkatao ko ng magdikit ang aming mga balat.
Hinawi ko ang aking sarili at pilit kinakalma ang aking nararamdaman.
“Ako na po ang humihingi ng paumanhin sa ginawa niya babayaran ko na lang ang lahat, at sisiguraduhin po namin na hindi na ito mauulit pa.” Anya sa matanda sa malumanay na boses bago ko sinenyasan ang aking tauhan.
Medyo kumalma naman ang matanda at dahan-dahan nitong ibinaba ang hawak na kahoy.
“Tay Tasyo, sorry na po, promise bukas sisimulan ko ng magtanim ng saging para hindi na po kayo magalit sa akin.” Ang malambing na wika ni Cassandra mula sa aking likuran, kay sarap pakinggan ng tinig nito parang musika sa aking pandinig.
Nakaramdam ako ng pagtutol ng kalasin ng dalagita ang mga braso nitong nakayakap sa aking baywang.
“Pasensya na po kayo sa aking anak.” Ang nahihiyang paumanhin ng Don sa matanda.
“Huwag na sanang mauulit pa ito at kung maaari ay disiplinahin nyo ng maayos ang batang ‘yan.” Ang seryosong sabi ng matanda habang nakatingin kay Cassandra.
“Sorry po tay, sorry Dad.” Ang hinging paumanhin nito.
Tahimik namang lumabas ang matanda at tila nakahinga ng maluwag ang lahat ng mawala na ito sa aming mga paningin.
Paglingon ko sa tatlo ay matatalim ang tinging ipinupukol ng mga ito kay Cassandra.
Habang ang dalagita ay tila hindi man lang ininda ang galit ng kan’yang mga magulang at prente pa itong nakaupo sa aking tabi.
Ngayon ko napatunayan na totoo pala ang report sa akin ng aking tauhan tungkol sa dalagita.
“Sino ka?” Ang inosenting tanong nito sa akin, habang nakatitig ito sa aking mukha.
Napalunok akong bigla dahil tila tinutunaw ng mga mata nito ang lakas ko kakaiba ang dating ng dalaga sa aking sistema.
“Cassandra, go to your room, now!” Ang mariing utos ng daddy nito.
Napapa Kamot sa ulo na tumayo ito, ngunit nagulat ako ng bigla nitong inilapit ang kan’yang mukha sa akin bago bumulong sa aking tainga.
“Galingan mong manligaw ha, para sa akin na ang babe ko.” Ang nakangiti nitong bulong, tinapik pa nito ng tatlong beses ang aking balikat at kumindat pa ito bago ito tumalikod.
May kilabot na dulot sa buong katawan ko ang mainit na hininga nitong tumatama sa aking balat, ramdam ko ang pagwawala ng aking alaga sa loob ng aking pantalon kaya bahagyang namula ang aking mukha dahil sa ginawa nito.”
Kinabahan ang Don sa ginawa ng kan’yang anak dahil kilala niya ito, pagdating talaga sa kalokohan ay walang makakapantay pa dito.
“What is it Cassandra!?” Ang may babalang tanong ng Don sa kan’yang anak.
“Nothing Dad, I told him, welcome to the family because he will become my brother soon.” Ang nakangiting wika ng dalagita na siyang ikinaubo ko, para akong nasamid dahil hindi matanggap ng sistema ko ng tawagin ako nitong brother.
Tinalikuran na kami ni Cassandra at umakyat na ito sa kan’yang kwarto.
Nakasunod lang ang tingin ko dito hanggang sa mawala na ito sa aking paningin.
“Ehemm.” Naagaw ang atensyon ko sa pagtikhim ng Don kaya nilingon ko ito.
“ Mr. Vanderberg, ako ay humihingi ng paumanhin dahil sa kahihiyang idinulot ng aking bunsong anak.” Ang hingi nitong dispensa sa akin.
“Wala yon Sir, actually nakakatuwa ang anak mo at ngayon lang ako nakatagpo ng babaeng katulad niya kaya ngayon ay nagbago na ang desisyon ko.
Gusto kong pakasalan ang bunsong anak n’yo sa pagtunton niya sa tamang edad.” Ang diretsahan kong sabi na siyang ikinalaglag ng kanilang mga panga.”