Sa mga nagdaan na araw ay palala ng palala ang pambu-bully ng mga ka-trabaho ko at ng manager namin sa akin. Pagod, puyat at sama-samang sama ng loob ang nararamdaman ko pero hanggat maaari ay iniiwasan ko na hindi sila patulan. Si Ria ay umiiyak lang dahil naaawa ito sa akin pero nakiusap ako dito na kaya ko pang magtiis. Kapag sumobra na ang mga ito talaga ay saka na ako lalaban, o kaya ay ipaparating ko na ito sa mas nakakataas. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang galit nila sa akin, ginagawa ko naman ng maayos ang trabaho ko. Kung sa pakikisama lang ay hindi rin ako nagkukulang, yong halos trabaho nila araw-araw ay sa akin na rin nila pinapagawa. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit halos lahat na ng nasa department namin ay iba na ang tingin sa akin. Umuwi ako n

