Agad kong inayos ang mga gamit ko dahil uuwi ako ngayon mismo. Inatake raw sa puso si tatay at nasa hospital ito kaya tumawag si nanay. Umiiyak ako na tinawagan kanina si Leon na agad nitong sinagot at sinabi ko dito na uuwi ako ngayon mismo. Sabi nito ay pauwi na ito at tamang-tama naman na tapos na ako nang pumasok ito. Agad ako nitong niyakap at pinatahan. “Don't cry babe.“ Bulong nito kaya tumango ako. Kinuha nito ang bag ko at nang masiguro nito na maayos na ang bahay ay saka na kami lumabas. Habang nasa byahe ay kausap naman si ate ang nakatatanda kong kapatid na nag-aalala rin kay tatay. Sinabi naman na ni nanay kanina na medyo maayos na raw ito pero kailangan daw munang maobserbahan ng mga doktor. Ilang oras ang byahe namin ni Leon at labis akong nagpapasalamat dito dahil

