Kennedy Ang lakas talaga ng topak ng lalakeng iyon. Bumaba na ako sa kusina dahil hindi pa ako kumakain kasi hinintay ko siya. Kaninang umaga ok naman siya. Baka dahil sa nangyari kanina. Nawalan ng gana? Aba, sinabi ko bang halikan niya ako. Biglang may narinig akong papaalis na sasakyan kaya kaagad akong lumabas. Natanaw ko ang sasakyan ni Blair, Ibig sabihin, umalis siya. Anong problema ng isang ‘yun? "Huwag niyang sabihin na magkakalat siya ngayong gabi.” Hayok talaga sa s*x ang babaerong iyon. Napabuntong hininga na lang ako. Dumeretso na ako sa kwarto ko, dahil bigla akong nawalan ng gana. Blair "Hindi ka pumasok sa kumpanya mo?"bungad sa akin ni Sean. "Wow, for the first time in history na hindi ka pumasok.”dagdag niya pero hindi ako kumibo. "Dahil na naman ba sa asawa mo

