Blair "Blair."tawag sa akin ni Nanay habang kinakatok ang pinto ng kwarto. "Hindi ako gutom, Nay."tipid kong sagot. "Gusto kitang maka-usap."sabi ulit ni Nanay kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at buksan ang pinto. "Halika."sumunod naman ako sa kanya. Umupo kami sa harapan ng mesa. "Wala ka ba talagang balak ayusin ang pagsasama niyo ni Kennedy. Alam mo bang iyak siya ng iyak kanina.” "Umalis na po ba siya?"tanong ko. "Oo, pinagbawalan namin siyang umalis pero pinagpilitan niya."hindi ako umimik. "Anak, patawarin mo na si Kennedy. Pinapahirapan niyo lang ang isa't-isa.” "Hindi niya ako pinagkatiwalaan, Nay. Tinago niya ang totoong pagkatao niya."sagot ko. "Anak, hindi dahil tinago niya hindi ka na niya pinagkakatiwalaan, hindi niya sinabi dahil natatakot siya. " "Yun na nga

