Blair Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot. Natatagalan siyang sumagot sa tawag ko pero this time, it's different. It's already three o’clock in the morning at hindi niya parin sinasagot. Hindi ko siya natawagan agad dahil natagalan ako sa meeting ko sa huling investor ko dito sa Singapore. Pwede na akong umuwi pero ang flight ko mamayang gabi pa. Sinubukan ko ulit tawagan si Kennedy pero cannot be reach ang cellphone niya. Napasabunot ako sa frustration. Inayos ko na ang bagahe ko at pumunta na sa airport. Kahit magbayad pa ako ng malaki. Hindi ako mapakali hangga’t hindi ko naririnig ang boses ni Kennedy. Pagdating ko sa Manila, dumeretso ako sa bahay pero wala akong nadatnan na Kennedy. Saan ba siya nagpupupunta! Ilang ulit

