THIRD PERSON POV Mabigat ang katawang iminulat ni Von ang kanyang mga mata. Wala siyang balak na bumangon sa umagang iyon. Kung papipiliin siya ay mas gugustuhin na lamang niya ang matulog sa mahabang panahon kaysa ang magising siya na pasan sa kanyang kalooban ang bigat ng kasalanang ginawa niya sa misis na si Ruth. Hindi niya matanggap sa kanyang sarili na dalawang beses siyang nagtaksil sa kanyang asawa sa loob lamang ng isang araw. Walang kamalay-malay ang kanyang misis sa ginawa niyang panloloko rito kasama ang mga babaeng malapit sa buhay nito. Parang gustong saktan ni Von ang kanyang sarili dahil sa kanyang pagiging mahina na labanan ang tukso. Hindi niya akalaing makagagawa siya ng ganoong klase ng kasalanan sa asawang si Ruth. Nakalimutan mo na bang dati ka pang nagkasala ka

