ZH: CHAPTER TWENTY

1294 Words
Yohan's P.O.V. "Nasan si Kelly?" Nakakunot noo kong tanong kay Ryan. Nakaupo lang kaming tatlo sa sahig at nakatingin kami ni Kelly kay Ryan. Tahimik lang sya at nakayuko. Naiyukom ko ng madiin ang aking palad. "Ryan? Nasan si Kelly?" Matigas kong tanong at tumayo. Nanatili pa din itong nakaupo at nakayuko. Hindi parin ito nagsasalita. Naglakad ako papalapit sa kanya. "Bakit hindi ka nagsasalita? Sagutin mo ako!" Inis kong sigaw sa kanya at tumayo sa harap nya. "Yohan! Wag ka nga sumigaw!" Tumayo din si Mika at lumapit sa akin. Tinignan nya ako nang masama at hindi ko sya pinansin. Pinagmasdan ko si Ryan na nakaupo at nakayuko sa aking harapan. Akmang hahawakan ko ang collar ng suot nyang uniform pero agad akong nahawakan ni Mika sa braso. "Hayaan mo sya kung ayaw nya magsalita," matigas na saad ni Mika sa akin habang masama ang tingin nito sa akin. "Bitawan mo ako," mahina kong sabi sa kanya at madiin na hinawakan ang kamay nya na nakahawak sa aking braso at malakas na tinanggal ito. Narinig ko namang napaupo sya sa sahig dahil sa lakas nang pagkakatanggal ko ng kamay nya sa aking braso pero hindi ko ito pinansin. Gusto kong malaman kung bakit hindi kasama ni Ryan si Kelly. Gusto kong malaman kung nasan si Kelly at kung anong nangyari sa kanila ni Ryan. "Sagutin mo ako," madiin kong sabi si Ryan at madiin na hinawakan sya sa collar patayo. Nakayuko padin ito pero narinig kong napaubo ito dahil sa ginawa ko. Madiin at malakas ko syang sinandal sa pader habang hawak-hawak ang collar nito. Hindi nya ako tinitignan sa mga mata ko. Alam kong iniiwasan nya ako at may ayaw syang sabihin sa akin. "Ryan! Nasan si Kelly?!" galit kong sigaw sa kanya. Natigilan ako nang tumingin na sa akin si Ryan at tumulo ang kanyang luha. Sunod-sunod ang pagpatak nito at tila ba ay ayaw nitong tumigil sa pag-agos sa kanyang mga mata. Lumawag ang pagkakahawak ko sa kanyang collar at napaatras ako ng onti. "Wala na sya," sabi nito habang nakatingin ng deretso sa aking mga mata. "Diba gusto mong marinig kung nasan sya?" tinanggal nya ang pagkakahawak ko sa collar nya at humakbang sya papalapit sa akin kaya napahakbang ako paatras. "Wala na sya! nakagat sya ng zombie at bago pa sya maging isa sa kanila ay tinapos ko na ang buhay nya dahil hindi ko kayang makita na maging katulad nila sya!" galit na sigaw nito sa akin habang patuloy padin sa pagpatak ang kanyang mga luha. Kita ko sa mga mata nya ang sakit, pait at galit na nararamdaman nya. Matalim din ang tingin nya sa akin at para bang may malaki syang galit sa mundo. Niyukom ko ang aking palad. "Ano? masaya kana? Narinig mo na kung ano yung nangyari. Alam mo na kung anong nangyari kay Kelly at sa akin," humina ang boses niya at nag-iwas ng tingin sa akin. Napayuko ako habang nakayukom ang aking palad. Alam ko kung gano ka-importante si Kelly para kay Ryan. Si Kelly ang laging kasama ni Ryan at sya lang ang natatanging kaibigan nito. Alam ko ding gusto nila ang isa't isa. Hindi ko ma-imagine ang sakit na nararamdaman nya ngayon. "Sorry," mahina kong sabi at naramdaman ko na pumatak ang aking luha. "Kasalanan ko to, kasalanan ko kung bakit napahamak si Kelly," Nagulat ako nang suntukin ng malakas ni Ryan. Napasandal ako sa teacher's table at napahawak sa aking labi. Tinignan ko ang kamay ko at may bahid ito ng dugo. Tinignan ko si Ryan at masama ang tingin nito. "Sorry, Ryan," umiiyak kong sabi. "Tama na!" sigaw ni Mika nang suntukin ulit ako sa pisnge ni Ryan. "Tama na Ryan, sigurado akong hindi magugustuhan ni Kelly ang nangyayari ngayon sa kanya," sabi ni Mika sa kanya at niyakap si Ryan. Sumigaw si Ryan ng malakas habang yakap yakap nya si Kelly. Rinig ko ang sakit at galit sa bawat pagsigaw nya. Napatingin ako sa pintuan nang lumakas ang kalabog ng mga zombies dito. Nagwala si Ryan at tinulak nya si Mika. "Kasalanan to ni Yoha! Kasalanan ni Yohan kung bakit wala na si Kelly!" sigaw ni Ryan habang nakayuko at nakayukom ang palad. Nakita ko si Mika na nakaupo sa sahig at nakatingin sa nagdudugo nyang siko. Agad akong lumpit kay Ryan at sinuntok sya sa pisnge. Napasandal naman sya sa pader at tumawa. "Walang kinalaman dito si Mika. Wag mo sya idadamay sa galit na nararamdaman mo sa akin," seryoso kong sabi sa kanya. Tumigil naman sya sa pagtawa at tumingin sa akin. Tumulo ang luha nya at tumayo sya nang maayos. Kinuha nya ang baril sa loob ng damit nya at pinagmasdan ito. "Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam na.." huminto sya saglit t ngumiti ng mapait. "Na ako mismo ang bumaril sa taong importante at mahal ko," mahina nitong sabi. "Hindi mo alam kung gano kasakit at kung gano ako galit ngayon!" sigaw nya at napaupo sa sahig. "Tama ka. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo ngayon," mahina kong sabi sa kanya. "Kasalanan ko kung bakit nyo kinailangan lumabas at pumunta sa clinic. Kasalanan ko kung bakit wala na si Kelly." yumuko ako at lumapit sa kanya. Ryan's P.O.V. Lumapit sa akin si Yohan at lumuhod sya sa aking harapan. Napatingin ako sa kanya nang hawakan nya ang kamay ko na hawak-hawak ang baril at tinapat nya ito sa kanyang dibdib. Napakunot ang noo ko at nakatingin lang sa kanya. Alam kong hindi nya kasalanan kung ano man ang nangyari kay Kelly. Alam kong wala syang kasalanan at naghahanap lang ako nang masisisi para malabas ko ang sakit at galit na nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan sa nangyari kay Kelly. Kung hindi ko sana sya pinayagan na sumama sa akin, sana ay buhay pa sya. Kung hindi sya sumama sa akin sana ay nandito pa sya. Hindi ko din sya nabantayan kanina ng maayos ng may zombie na kumapit sa kanyang paahan. Ako ang may kasalanan. Ako ang may kasalanan kung bakit wala na si Kelly. Nagflashback sa aking isipan ang mukha ni Kelly na nakangiti. Napapikit ako at sumigaw. Naramdaman kong dumiin ang hawak ni Yohan sa aking kamay na hawak-hawak ang baril habang nakatutok ito sa kanyang dibdib. Wala syang kasalanan. Walang kasalanan si Yohan. Ako ang nagplano na pumunta sa clinic para kumuha ng gamot. Dumilat ako at tinignan ko ang mukha ni Yohan. Halata mo na malungkot ito at nagsisisi sa nangyari. Tinignan ko din si Mika sa gilid na nakupo lang at umiiyak. Dahan-dahan kong binaba ang baril at hindi ko na mapigilan ang sarili na humagulgul sa pag-iyak. "I'm sorry, Kelly.." umiiyak kong sabi at niyakap ang aking tuhod. Naramdaman ko namang may yumakap sa akin. Napadilat ako at tinignan kung sino ito. Si Mika ito at umiiyak din sya. Lumapit din si Yohan sa amin at niyakap nya din ako. Mas lalong lumakas ang iyak ko dahil sa ginawa nila. Alam kong hindi agad mawawala ang sakit at lungkot sa puso ko dahil sa nangyari kay Kelly. Sobra ang pagsisisi ko dahil hindi ko sa kanya agad inamin ang nararamdaman ko non. Naging harsh din ako sa kanya nitong mga nakaraang araw dahil pakiramdam ko ay nakikita nya lang ako bilang nakababata nyang kapatid. Kaya gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ako bata. Na hindi ako mahina at isa din akong lalaki na kaya syang ipagtanggol at mahalin. "Sigurado ako na kung nasan man si Kellyb ngayon, she's happy," sabi ni Mika habang nakayakap pa din sila ni Yohan sa akin. "Wag natin hayaan na mabaliwala ang sakripisyo ni Kelly. Kailangan natin mabuhay hanggang sa dulo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD