ZH: CHAPTER NINE

1812 Words
Caraley's P.O.V "Let's take five minutes break," sabi ni Ms. Tiara at pinatay ang music namin. "Yes!" natuwa naman ang mga ka-ballet mates ko at nag-unat unat ang mga ito. Ako naman ay pinagpatuloy lang ang pagsayaw. Hindi pa naman ako pagod at kailangan ko mag-practice ng maigi dahil importante para sa akin ang competition na padating. Tinaas ko ang paa ko at paikot na tumalon. "Cara, i said Five minutes break," utos ni Ms. Tiara habang nakatingin sa akin at napapailing. "But-" Magsasalita pa sana ako nang putulin nito ang sasabihin ko. "No buts. Or else you're qualified," Sabi nito at ngumiti sa akin. "Okay, fine," nakasimangot kong sagot at umupo na lang sa sahig dahil kailangan ko sya sundin. "Excited na'ko para bukas! sasayaw na tayo sa competition!" masayang sambit ni Vivia. Everyone here is my Enemy. Kailangan ko manalo. Kailangan ko suklian ang pagsuporta sa akin ng mga magulang ko. Hindi pwedeng matalo ako dahil madi-disappoint ko lang sila mommy. "Anong kulay ang susuotin mo bukas, Caraley?" tanong naman ni Julia sa'kin at lumapit. Tinignan ko naman sya at ngumiti. "It's not actually your business." sabi ko sa kanya kaya naman nawala ang ngiti sa kanyang labi. "Ahh!" agad kaming napatayo nang may marinig kaming sigaw at biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Si Ms. Tiara.. may nakapatong sa kanyang lalaking.. Zombie? Agad nitong kinagat ang leeg ni Ms. Tiara at napasigaw ito sa sakit na nararamdaman. Nakita ko namang nagkalat ang dugo sa sahig. "Ta-takbo.. run girls!" huling sabi ni Ms. Tiara bago ito bumagsak sa sahig at nagsimulang manginig. Napatingin naman sa amin yung zombie at tumayo ito. Napatingin din ito sa akin at tumakbo papunta sa direksyon ko pero agad akong humakbang sa kaliwa ko para iwasan ito. "Kyahhh!!" sunod kong narinig ay ang sigaw ni Vivia na nasa likod ko pala at ngayon ay kinakagat na ng zombie ang kanyang leeg. Agad akong napalunok sa aking nasaksihan. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko alam kung totoo ba itong nakikita ko o nananaginip lang ako. "Takbo!" sigaw ni Julia at nagulat ako nang hawakan ako nito sa wrist at hinila. Damn! ang hirap tumakbo sa suot namin! Pagkalabas namin ni Julia at ng iba pa ay sinara ko agad ang pinto sa ballet room para hindi na makalabas pa ang zombie. Pagharap ko naman kila Julia ay napaatras kaming lahat. Ang daming zombie. Mga lima silang nakatingin sa'min ngayon. Nakita ko din ang corridor na puro dugo. May mga nagkalat din na parte ng katawan ng tao sa paligid. Gusto kong masuka sa nakita pero mas gusto kong mabuhay kaya naman ay hinila ko naman si Julia papunta sa left na corridor. "Teka!" sabi nya at huminto kaya nahinto rin ako at nakita sila Fiona at Dianne na nilalaban yung mga zombie pero masyadong malakas at madami ang zombie kaya naman ay agad silang nakagat ng mga ito. Bakit ba kasi ang tanga nung dalawang 'yon? hindi agad sila tumakbo ng tumakbo ako kasama si Julia?! muntik na akong masuka nang makitang kagatin ng zombie yung hita ni Fiona at umagos ang dugo nito. "Let's go!" sabi ko at hinila ako pababa sa 2nd floor. Damn! nasa 3rd floor pa naman kami! malamang ay marami ng zombie sa baba! sht! "May zombie, s**t!" gulat na sabi ni Julia at napatingin sa'min yung mga Zombie. "Julia!" inis kong saway sa kanya dahil napalakas ang boses nito at ngayon ay sinusundan na kami ng zombie. "Omygod. I'm sorry!" mahina nyang sabi. "Fck!" inis kong sabi at tumakbo kami sa kanan. "Tulong!!" sigaw ko. "Tulungan nyo kamii!!" sigaw naman ni Julia Habang tumatakbo kami dito sa corridor. Naririnig na namin yung nakakatakot at nakakakilabot na boses ng mga zombie na humahabol sa'min pero mabagal lang ang takbo ng mga ito. "Damn!" nahinto kami ng may isang zombie ang humarang sa'min. Wala kaming makitang kahit ano! ni wala nga kaming dala na kahit ano eh! great! "Raar!" Nagulat ako nang papunta na sa'kin yung zombie at napapikit na lang ako pero naramdaman kong may dugong tumalsik sa pisngi ko kaya agad kong dinilat ang mga mata ko at nakita si Denni na may hawak na fire extinguisher at hinampas ito sa ulo ng Zombie. "Anong ginagawa nyo? wala kayong kahit na anong armas!" sabi nya sa amin ni Julia. "Shut up, nasa panganib tayo ngayon at wala tayong oras para mangaral!" sabi ko sa kanya at naunang tumkabo sa amin at nakitang sinusundan pa din kami ng mga zombie sa likod. "San tayo ngayon?!" tanong ko habang tumatakbo. "May Zombie din sa kabilang hagdan pababa!" hinihingal na sabi ni Denni. "Sht!" inis kong sabi at na-realize na papunta pala kami sa kabilang hagdan na sinasabi ni Denni kaya naman ay agad akong huminto. "Anong ginagawa mo?" tanong ni Denni sa akin nang huminto ako sa pagtakbo. Lumingon ako at nakitang hinahablol parin kami ng mga zombies sa likuran. "Naka-lock ba lahat ng rooms dito?" tanong ko sa kanila. "Of course! walang nagro-room dito sa gantong oras!" sabi naman ni Julia habang natataranta na ito. Agad kaming napatingin sa direksyon na tatakbuhan sana namin kanina nang may mga zombie na din dito at papunta sa'min. Napakagat ako sa labi ko. Sh*t talaga! corner na kami! damn! anong gagawin namin? hindi ako papayag na magpakain sa mga ito! "Guys! dito!" napatingin ako sa isang pinto na malapit sa Zombie na pasalubong sa'min nang may dalawang babae ang tumawag samin doon. Is that Caye and Asia? the Bullies. "We don't have any choice, so let's go!" sabi ni Denni at tumakbo papunta dun. Kaya namin to. Ang kelangan lang namin ay bilisan ang pagtakbo para hindi kami maabutan ng zombies. Tinignan ko naman si Julia at mukhang takot na takot na ito. "Let's go Julia!" sigaw ko at tumakbo na kami papunta sa room kung nasaan sila Caye at Asia. "Bilisan nyo!!" natataranta na sabi ni Asia habang tinitignan yung mga Zombie na malapit na sa pinto. "Sandali lang!" sabi ko nang makapasok na si Denni duon sa loob ng room. Napalunok ako ng makitang sobrang lapit na namin ni Julia sa Zombie dahil pasalubong kami sa mga ito. Parang slowmotion ang nangyari. Inabot ko ang kamay ko kay Asia at mabilis nyang tinanggap ito. Agad nya akong hinila papasok at hihilahin ko din sana si Julia nang mahablot sya ng Zombies. "Julia!!" Malakas kong sigaw sa kanyang pangalan. "Cara.." mahina nyang sabi at napapikit sa sakit nang kagatin sya ng zombie sa pisngi. Agad syang napasigaw dahil dito. Nakatingin at tulala lang ako sa kanya nang agad na sinara ni Asia ang pinto. "Si Julia! bakit mo agad sinara ang pinto?!" galit kong sigaw kay Asia. "Magiging Zombie na din sya kahit iligtas natin sya!" nakakunot noong sigaw sa'kin ni Asia. "Kahit na!" napakagat ako sa labi ko at pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Si Julia lang ang kaibigan ko. Kahit na mataray at masungit ang ugali ko ay natitiis nya ito at kaibigan padin ang turing nya sa akin. "Snap out of it, Cara!" inis na sabi ni Caye at tinulak ako sa gilid. "Ano ba?! hanggang ngayon ba bully ka parin ha?!" sigaw ko sa kanya. "How dare you na sigawan ako!" sigaw nya sakin at pinanlakihan ako ng mga mata. "Sisigawan kita kung kailan ko gusto!" inis kong sabi sa kanya. Anong tingin nya sa sarili nya? Diyos? bwisit sya! sana sya na lang ang namatay at hindi si Julia. Name: Caraley Deams Age: 16 Denni's P.O.V Agad akong napalingon sa pinto nang marinig ang malakas na kalabog mula dito pati narin sa mga bintana. "Wag kayong maingay! naririnig tayo ng mga Zombie. They are blind, pero malakas ang pang-amoy at pangrinig nila so shut the f**k up already, okay?" inis kong sabi sa dalawa at natigil naman sila sa sigawan at away nila. Napabuntong hininga na lang ako at napaupo sa sahig. Pinagmasdan ko ang bintana at nakitang maraming zombie sa hallway. Pano kami makakaalis dito ngayon? Name: Denni Owens Age: 15 Yohan's P.O.V. "Pasok!" Sabay kaming napalingon nila Ryan sa babaeng sumigaw at binuksan ang pinto. Tumakbo na kami papunta dito at nakapasok na sila Mika pero agad akong natigilan nang maramdamang may humawak sa aking braso at nakita ang isang zombie. Nanlaki ang mata ko nang itulak ako nito sa pader at agad kong naramdaman ang sakit ng aking likod. "Yohan!" Sigaw ni Ryan at lumabas sa room. "Bilisan nyo! malapit na sila!" Sigaw ng babae habang nakatingin sa mga zombie na papunta na sa amin. Napatingin ako sa malaking zombie ito at nakitang isang guard ito. Hindi ko sya nakita kanina. Sobrang bilis nya tumakbo at malakas din ito. Ngayon lang din ako naka-encounter ng zombie na tinulak ako sa pader. Hindi kaya nakakapag-isip ito? "Yaaahh!" Sigaw ni Ryan at akmang puputulin ang leeg ng zombie pero agad syang nahawakan ng zombie sa kamay. Agad na natigilan si Ryan at nakita ko ang gulat na gulat na mukha nya. Hindi ito pangkaraniwang zombie. Kakaiba ito! Agad akong tumayo at kinuha ang baseball bat. "Yahh!!" sigaw ko at hinampas gamit ang natitirang lakas ko sa kamay ng zombie na nakahawak kay Ryan at napabitaw naman ito. "Pumasok na kayo! Nandito na sila!" Malakas na sigaw ni Kelly. Agad kaming tumakbo ni Ryan at napatalon kami papasok dahil sobrang lapit na ng mga zombies. Pagkapasok namin sa loob ay nasubsub kami ni Ryan sa sahig at agad kong narinig ang malakas na pagsara ng pinto. "Tu-tulong.." Agad akong napalingon sa babaeng nagsara ng pinto at nagulat sa nakita. Nakapasok ang guard na zombie at hawak-hawak nito ngayon ang babae sa leeg. Hindi na makahinga ang babae at namumutla na ang mukha nito. "Sht!!" sigaw ni Ryan at tumayo. Agad din akong tumayo at hahampasin ang zombie sa braso pero hindi ito tinablan. Hindi na gumagana ang baseball bat sa kanya. Kailangan ko ng matulis. "Ryan!" Tawag ko kay Ryan at tinuro ang machete na hawak nya. "Tulongg!" nahihirapang sigaw ng babae. Agad na hinagis ni Ryan ang machete at napalunok ako dahil papunta na ito sa akin ngayon at hindi ko alam kung masasalo ko ba ito o ito na ang tatapos sa aking buhay. "Ahh!!" Agad kong tinaas ang kamay ko at sinalo ang machete. Nakahinga ako nang maluwag dahil hindi ito tumama sa ulo ko. Agad naman akong napatingin sa babae nang makitang sumigaw ito. Nanlaki ang mata ko nang makitang maputol ang ulo nya dahil lang sa pagsakal sa kanya ng zombie. Nakita ko ang ulo ng babae na nalaglag sa sahig at binato ng zombie ang katawan ng babae sa gilid. Nang lumingon sa akin ang zombie ay sumigaw ito at napaatras ako dahil sa takot na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD