ZH: CHAPTER FIFTHY FOUR

1489 Words

Jay's P.O.V. "Yhona!" tawag ni Eros kay Yhona at napatayo din sila ni Royce. "Eros!" lumapit ito kay Eros at niyakap ito. "Mabuti na lang ay hindi ka lumabas dito," nag-aalalang sabi ni Eros dito at humiwalay na sa yakap. Nakita naman naming namuo ang luha sa mga mata ni Yhona at mukhang takot na takot ito. Ginala ko ang aking paningin dito sa loob at nakakatakot nga din naman talaga dito. Mag-isa lang sya dito at rinig na rinig ang mga ingay ng zombies mula sa labas. Nage-echo pa ang kanilang mga sigaw. "I'm so scared, Eros. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi rin ako makalabas dahil puno ng zombie ang campus at mag-isa lang ako," umiiyak nitong sabi. "Shh, wag kana umiyak. Nandito na kami," sabi ni Eros dito. Nakatayo lang kami ni Royce at pinapanood ang magpinsan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD