Roger's point of view Sa pag-alis ni Raselle na walang paalam ay siya namang paglayo ng aking panganay. Ramdam ko na mahal niya ang kanyang bunsong kapatid pero sa amin ay halos hindi na niya kami kausapin sa bahay. Pinapasubaybayan ko siya sa aking mga tauhan, nalungkot ako dahil pumapasok na ito sa club. Gustong kong ipasara ang club dahil nagpapasok sila ng minor pero nang makita ko sa video na ipinadala ng aking tauhan na nag eenjoy ang aking anak sa pagkanta ay hinayaan ko nalang. Panatag parin ang loob ko dahil hindi siya umiinom at naninigarilyo. Yun lang at may kasintahan na ito at mas matanda ang babae. Nandito ako ngayon sa sala hinihintay ang aking panganay, pagbukas niya ng pintuan ay tumayo ako agad. Tinignan niya lang ako at nilampasan. Pero tinawag ko siya at sinabi kong

