Raselle's point of view Pagka-alis nina Ate at Kuya ay agad akong pumara ng taxi. Napatingin ako sa rear mirror, malagkit ang tingin sa akin ni mamang driver. Kinabahan tuloy ako, paano kung mag spray siya ng pampatulog. Naging alerto ako, nang sinabi ko na police station. Paminsan minsan ko pa din siya nahuhuli na nakatingin sa akin. Seryosong tinignan ko siya nga saktong nagkatinginan kami. Inilabas ko na rin ang phone ko para may pantawag ako kay Kuya Rowan. Sana nakinig nalang ako sa kay ate Madel, pero wala naman akong damit na hindi maiksi. Ilang saglit lang ay huminto na ang sasakyan. Napatingin ako sa labas at police station nga ito. Ibinigay ko na ang aking bayad, hindi ko na kinuha pa ang sukli. Pagbaba ko ay nag madali akong naglakad, napangiwi ako dahil natapilok ang aking pa

