Carl's point of view Sasamahan namin ang aming anak sa kanyang graduation, ang Darren na gusto kong makausap ay wala. Mabuti at kahit maarte ang aking anak ay malawak ang kanyang pang-unawa. Yan ang ugali ni Ria noong Lerma pa siya noon. Kahit gaano kahirap ng buhay ay hindi siya nagreklamo. Yung kahit anong ipaharap ko noon ay kinakain niya, kahit hindi kasundo ng kanyang panlasa ay kumakain parin siya. Ni hindi siya nag papabili ng damit, mas gusto niyang isuot pa ang mga damit na pinaglumaan ko lalo na at taong bahay lang siya. Sigurado ako kapag Ria siya na nakilala ko ay nasa lansangan lang siyang nakiki Marites. Sobrang makwento siya pag patulog na kami, yung mga iba na kwento niya ay ang sarap tulugan na lang. "Inay bumalik ka sa kwarto ninyo at palitan mo yan! huhubaran kita

