Raselle's point of view Maaga kaming natulog ni Kuya at maaga ding nagising dahil pareho kaming gutom. Naligo na muna ako dahil bumaba siya bumili ng itlog, pandesal at 3 n 1 na kami dahil na miss ko na rin. 8 years old kong natikman yun sa baso ni Ate at palihim akong humihigop dahil masarap. Ayaw niyang magkape ako noon dahil bata pa ako pero masarap ang Kape na may pandesal. Kung may ingredients lang kaya kong gumawa ng pandesal. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako sa kwarto sakto pagbukas ng pinto. Dali-dali kong kinuha ang binili niya. Napatitig muna siya sa akin bago siya pumasok sa kwarto at maligo din daw. Pagpasok ko sa kusina ay mabilis kong inilabas ang mga binili ni Kuya. Pina -init ko na ang kawali at kumuha sa na ng mantika pero wala kahit akin at paminta na mahanap k

