Nathalie (POV)
Sa ilang araw na nakakulong kami ni Melissa ay na boring din ang mundo namin. Wala naman kaming magawa dahil halata pa ang aking mga pasa at delikado pa. Napatingin ako sa aking cellphone halos oras-oras ay nag papadala ng mensahe si Mommy at tinatanong kung kailan ako umuwi. Kung hindi pa daw ako uuwi ay sasama na siya sa pagsundo sa amin o di kaya ay pupuntahan niya ako bahay ng kasintahan ko.
May natanggap pa ako na email galing sa pinag oderan ko ng adult toys na pending ang binili ko dahil natuklasan nila na wala pa akong 18 kaya sa 2 days after my birthday pa ang delivery. Akala ko pa man din na sa birthday ko mismo ang delivery. Sabagay 2 days lang naman not that bad.
"Babe ka text mo?" Tanong ng magandang girlfriend ko na selosa.
"Si Mommy." Sagot ko at ipinakita ang mga mensahe ni Mommy.
"So sad naman, babe uuwi ka pala sa inyo after rehearsal natin." Malungkot na sambit niya at yumakap sa akin.
"Magpa-alam kaya tayo kay Tito na sa bahay ka matutulog?"
"Alam mo naman na mula nang alam ni Daddy na tayo na ay hindi na ako pinapatulog sa bahay ninyo./ Kung magdesisyon yun final na walang bawian." Sagot niya at humigpit ang pagkayakap niya sa akin.
Niyakap ko din siya pabalik at binulungan. "CR tayo." Sabi ko at napangiti siya ng pagkatami-tamis.
Umalis na kami sa Canteen at bahala na si kuya Sander na magbayad sa kinain namin. Nakaakbay ako kay Melissa habang naglalakad kami sa hallway papuntang Cr ng mga babae. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin.
"Babe, bakit sa atin sila nakatingin?" Bulong niya dahil halos magkasingtangkad lang kami.
"Hindi ka na nasanay." Sagot ko na lang.
Binuksan ko na ang pintuan at una siyang pumasok. May mga ibang studyante din sa loob at namilog ang mga mata nila ng makita ako. May mga narinig kaming bulungan ng pumasok kami ng iisang cubicle ang kasintahan ko. "Sana all" ang karamihan sa nadinig namin.
Pag pasok namin sa cubicle ay agad ko siyang hinatak papalapit sa akin. Hinawakan ko magkabilaan ang kanyang mga pisngi at napatitig ako sa maganda niyang mukha. Nagkatitigan kami at unti-unti ko nang nilalapit ang labi ko ng hinatak niya ang aking ulo kaya mabilis na nag kalapait ang aming mga labi. Ang mga labi lang namin ang gumagalaw, ninamnam ko ang lambot ng kanyang mga labi hanggang sa marinig namin ang bell.
Napansin ko ang pagkabitin niya, eh di mas lalo na ako. Hindi ko na lang pinahalata.
"We have to go." Sambit ko at pinatakan ng sunod-sunod na halik ang kanyang labi na naka nguso.
Lumabas na kami sa cubicle at nag-ayos muna siya bago kami lumabas sa CR. Dumeretso na kami sa gym at naka linya na ang mga ka klase namin. Halos tatlong oras ang rehearsal namin at napatingin ako sa kapatid kong si Sander na bagot na bagot ang mukha. Bakit kasi nagkapalit pa kami ng kapatid ko na ito. Mas masaya siguro kung siya na ang ipinanganak na may dibdib at ako ang may palawit. Kung may palawit lang sana ako, sigurado buntis na ngayon si Melissa.
Pagkatapos ng rehearsal ay nag paalam na ako sa kasintahan ko, sobrang lungkot ng mukha niya. "Don't worry babe, bukas sa bahay ninyo ako matutulog." Sabi ko at ngumiti na siya. Inihatid ko na muna siya sa kaniyang sundo at pagkatapos ay pumasok na ako sa aming sasakyan.
"Ate, nakita namin ang video mo ang galing!" Sambit ni Dark.
"Anong Video? Tanong ko at napalingon sa kanya sa likuran.
"Yung naka posas kayo ni Ate Melissa." Sabat ni Light kaya kinabahan ako.
"Nakita ba ni Mommy? Pano ninyo napanunuod?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Si Daddy, pinakita sa amin pero hindi niya pinakita kay Mom. Dad was so proud at ipinasa pa niya kina Ninong." Sabat din ni Hunter.
Medyo nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi nakita ni Mommy. Iba pa man din si Mommy kung mag bigay aral yung mas magandang saktan ka na lang para matapos na. Pero hindi ganun si Mommy, aabutin ng halos ilang oras ang pagbibigay niya ng aral kakasalita hanggang sa puro oo at ang ending ay sumangayon ka nalang.
Pagdating namin sa bahay ay agad akong sinalubong ng yakap ni Mommy, ni hindi hinanap si Sander at Autumn.
"Mommy hello! may lima kang anak pa oh bakit si Nathalie lang ang niyakap mo?" Reklamo ni Kristine.
"Araw-araw ko kayong niyayakap, itong kapatid ninyo apat na araw ko nang hindi nakita." Sagot ni Mommy at napatawa na lang ang apat na quad na puro bulog.
Si Kristine ay yumakap na rin sa akin, "I miss you, Sis." Sabi niya kaya napangiwi ako. Hindi siya showy sa school pero sa bahay ay malambing ito pero hindi naaalis ang pagkabungangera niya.
Nakayakap parin si Mommy sa akin na parang tatakbuhan ko siya, yumakap na rin ako sa kanya dahil na miss ko din ang magandang Mommy ko ng konti.
Pagpasok namin sa bahay ay agad na umupo ang apat na quad at si Snow ay kumanlong kay Thunder. Nailing na lang ako dahil sa totoo lang ay nasasagwaan akong tignan sila. Ewan ko pero tingin ko kay Thunder ay iba, naiiling na lang akong tinignan siya ng masama habang ang kapatid namin ay nag babasa ng libro sa kandungan niya.
"Mommy, akyat lang ako sa kwarto ko." Paalam ko dahil mukhang ayaw niya akong pakawalan.
"Sama ako anak." Sagot niya.
"Mom!" Sambit ko sabay kamot sa maiksi ko na buhok.
"May binili na akong magandang bestida para sa graduation mo."
"How about me Mom?" Sabat ni Kristine.
"Of course anak, mayroon ka rin pero habang nandito ang kapatid mo ay gusto kong makita na subukan niya."
"Mom, hindi pa ako babae para mag dress." Mahinang sabi ko.
"Anak, look at this! namana mo sa akin, tapos sabihin mo na hindi ka babae?" Tanong niya at hinawakan pa talaga ang tago kong dede.
Napansin ko ang aking mga kapatid na yumuko maliban kay Snow. Huminga ako ng malalim at nagsalita.
"Mom, I want to remove this." Sabi ko at napatakip siya sa kanyang bunganga.
"Oh no! No please anak, bigay yan saiyo ng panginoon at maraming mga bababe ang umaasam niyan. Kasalan ito ng Daddy mo kung bakit ka nag kaganyan."
"I am sorry Mom, lalaki talaga ang pakiramdam ko." At narinig ko na ang pag-iyak ng aking Ina na siya namang pag dating ni Mommy.
"Love, why are you crying?" Tanong ni Daddy at niyakap ka agad si Mommy.
"Ikaw kuya, kasalan mo ito! kung ipatanggal ng anak mo ang dibdib niya ay ipatatanggal ko din ang akin!" Galit na sabi ni Mommy at mabilis na pumunta sa elevator.
"Huwag kang tatabi sa akin Kuya!" Sigaw pa ni Mommy bago pumasok sa elevator.
Kuya ang tawag ni Mommy kay Daddy kung galit ito.
"What happened Nathalie?" Tanong ni Daddy na napahilot pa sa kanyang sintido.
"Nathalie wants to remove her bo*bies Dad and Mom freaked out." Sabat ni Kristine.
Tinignan ko siya ng masama dahil dapat ako ang sumagot. Sinenyasan niya ang mga kapatid ko na umalis. Nang umalis na ang mga kapatid ko ay seryosong tinignan ako ni Daddy.
"Anak, hindi kita pinigilan nang magpagupit at mag damit ka ng panlalaki at mas lalong hindi kita pinigilan nang magkaroon ng girlfriend. Pero ang alisin ang dibdib mo ay hindi ako payag."
"Dahil ba ipapalis din ni Mommy ang dibdib niya?" Mahinang tanong ko at tumango siya.
"Anak, just wear something to hide that. Huwag mong alisin, baka magka side effect pa. Hindi naman yata problema sa girlfriend mo na mayroon ka niyan. Please, don't make your Mom sad. Alam mo naman kung paano niya inalagaan ang mga balat ninyong magkakapatid lalo na sa inyong na babae.
"Babae Dad?"
"Aminin mo man o hindi ipinanganak kang babae anak at inalagaan ng Mommy ninyo ang inyong mga balat. Ni ayaw niyang madapa, makagat kayo ng lamok at ma sunburn noon. Alam mo ba na galit ang mommy mo sa akin noong nagkaroon ka ng pasa. Your Mom loves you so much. Lahat naman kayong mag kakapatid pero iba kayong mga babae. Hindi sanay ang Mommy ninyo ng violent. Sana maintindihan mo, alam ko na malapit ka nang mag dediotso pero sana mag desisyon ka ng hindi lang sa ikaliligaya mo." Sabi ni Daddy at tinapik ang aking balikat bago umalis sa aking harapan.
Ibinagsak ko ang aking katawan sa sofa at napapikit habang nag-iisip. Hindi ko namamalayan na halos isang oras na akong nakahiga sa sofa at naramdaman ko na may umupo sa kabilang sofa. Pag mulat ko ay nakita ko si Daddy na nakahiga na rin at nakapikit.
"Why you are here Dad?" Tanong ko dahil sina Mommy at Daddy ay sabay bumababa lagi at bagong ligo.
"Your mom locked our room, halos isang oras na akong kumakatok pero hindi niya ako pinag buksan.": Mahinang sambit ni Daddy.
Malungkot akong tinignan siya, ayaw kong ganito ang mga magulang ko dahil sa akin. Lumaki akong sweet sila lagi at masaya dito sa bahay.
"Trouble ba akong anak Daddy?" naiiyak kong tanong.
"No Anak, you are special and I am so proud of you." Sagot ni Daddy.
"Come here." utos niya, lumapit ako sa kanya at niyakap niya ako.
"Sige Daddy kakausapin ko na si Mommy na hindi na ako mag papa-alis ng dibdib."
"Okay anak, salamat." Nakangiting sambit niya.
Kumalas ako sa pagka-yakap sa aking Daddy at sumakay ako sa elevator. Nakasabayan ko ang kapatid kong si Adam na biglang hinawakan ang aking noo kaya nagulat ako.
"What is that? Tanong ko at kinuha pa ang keychain ko na car at parang may idinikit.
"Just a try Ate." Sagot lang niya pero wala naman akong makita na idinikit.
Sa sobrang talino na yata ng kapatid ko na ito ay may tama na, ngayon ay nakatutok siya sa kanyang laptop at nakangiti.
"Let me see that." Sabi ko pero itinago niya ang kanyang laptop sa kanyang likuran.
"It's my private property Ate. No one is allowed to touch it." Sabi niya at bumukas na ang elevator.
Naiiling nalang akong tinignan siya papunta sa kwarto niya at pumunta na rin ako sa kwarto nina Mommy. Ilang saglit lang ay nasa harapan na ako ng kwarto nila. Pinihit ko ito at naka locked talaga kaya kumatok ako.
Kinuha ko ang aking telepono sa aking bulsa dahil soudproof ang kwarto nila Mommy. Siguradong hindi niya ako maririnig kung kumatok ako. Nakalimutan yata ni Daddy na hindi siya maririnig ni Daddy kahit kumatok siya buong magdamag.
Nag padala ako ng mensahe kay Mommy at sinabi ko na nasa pintuan nila ako. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto nila at mugto ang mga mata niya.
"I am sorry Mom, hindi na po ako mag papatanggal ng dibdib." Sabi ko ay umiyak siyang niyakap niya ako.
"Thank you so much Anak, can we try your dress now?" Nakangiting sabi niya na may luha pa ang mga mata.
Sino ba naman ang hihindi kaya wala akong nagawa. May kinuha si Mommy sa na bag at inilabas niya ang mga ito. Dress at isang wig na mahaba.
"F*ck!" Mura ko sa aking isipan, hindi ako magsusuot ng wig at dress sa graduation.
"Mmom wala bang mas simple diyan, yung unisex po at hindi ko po yata kayang isuot ang wig Mommy." Mahinang sambit ko na naiiyak na.
"Just try it anak, don't worry hindi ko naman ipilit na isuot mo ito sa graduation ninyo. I just want to see kung gaano ka kaganda kung mahaba ang buhok mo at naka dress.
Huminga ako ng malalim at pumayag na lang. Naghubad ako sa harapan ni Mommy.
"Oh my God! bakit may malaking pasa ka sa tagiliran mo anak?" Tanong ni Mommy at napatingin ako sa salamin. May bakas pa ng sipa ng mga taong gustong kumidnap kay Melissa. Ilang araw na at hindi pa pala nawala.
"Bumangga lang ako Mommy, I don't even feel na masakit." Sagot ko at mabili na kinuha ang dress sa kamay niya.
Isinuot ko ito at napangiwi ako dahil umapaw ang dibdib ko. Pagkatapos ay inilagay ni Mommy ang black straight na buhok at inayos ito.
"Oh My God! Your Daddy needs to see this." Bulaslas niya at napatingin ako sa salamin.
"Mom I look like a teen bold star." Sambit ko.
"No Anak, ang sexy at ang ganda mo. Ang abs mo sa tiyan ang mas lalong nag pa sexy saiyo anak." Sabi pa ni Mommy at tinawagan si Daddy sa kanyang phone.
Ilang saglit lang ay nasa kwarto na gad si Daddy na mukhang tumakbo ito. Ako naman ay nangangati na ang anit ko dahil sa wig.
"Love, see kung gaano ka ganda ang anak natin?" Tanong ni Mommy na humawak pa sa aking braso at ipaharap kay Daddy.
Napangiwi ako dahil ang itsura ni Daddy ay hindi ma spelling.
"Love, she can't wear that outside the house. Marami akong mapatay na tao." Sambit ni Daddy.
Ang pinasuot kasi sa akin ni Mommy ay dress na sleeveless na hanggang kalahati ng aking hita na may slit pa sa gilid. Tapos ang harap ay sobrang baba ang neckline kaya putok na putok ang aking dibdib. Pagkatapos akong kunan ng larawan ni Mommy ay pumunta na ako sa banyo nila at nagpalit ng damit.