Madel's point of view Pagkapanganak ko sa aming babaeng anak ay hindi na ako nagtrabaho pa kay Bossing dahil gusto ko na ako ang mag-alaga sa aking anak. Sa larawan at video calls lang nakita ng mga magulang ko ang aking anak dahil hindi pa sila pwedeng umuwi. Miss ko an rin ang kapatid ko na laging hinahanap si Darren. Lagi kaming nagsisinungaling sa kanya, ayaw naming sabihin na ayaw siyang kausapin si Darren. Malungkot man pero hindi na gaya ng dati si Darren lagi na siyang nasa mga kaibigan niya at minsan doon na din siya natutulog. Nagkaroon siya ng maraming kaibigan ng pumasok na siya sa paaralan, masaya naman kami pero halos hindi na namin siya nakikita sa bahay. Nang nanganak ako ay ang kapatid lang niya ang gusto niyang tignan pagkapos ay umaalis na agad siya. Ilang beses na

