Darren's point of view Hindi pinahalata na kinakabahan ako nang sinamahan namin si Raselle sa clinic. Gusto kong sumama sa loob pero ayaw niya kaya nasa pintuan lang ako. Kahit na ganun ay dinig ko ang pinag-uusapan nila. Nagsalubong ang aking kilay ng marinig ko ang kanilang pinag-uusapan. Napamura ako nang malaman ko ang dahilan kung bakit siya pumunta dito. "Damn!" Active na ba siya dati at sino ang boyfriend niya? Sinabi niya sa akin na hindi pa siya nagka boyfriend pero bakit siya nagpaturok ng birth control. Umigting ang aking panga. Kahit may nauna na ay okay lang sa akin. Lumaki siya sa ibang bansa at alam ko na liberated ang pag-iisip nila doon. Napahinga ako ng malalim, nang alam kong palabas na siya ay umalis ako sa pintuan. Lumapit ako sa aking mga kaibigan na halatang na

