Raselle's point of view continues Pagkatapos naming kumain ni Ate Joanna ay nagpa-alam na siya na matulog. "Ah Ate hindi pa tapos ang birthday party mo." Sabi ko na napatayo na rin at sabay pa kaming dumighay. Pati tuloy ako ay napadami ng kain. "Hayaan mo na, tignan mo ang pinsan mong panget, kung kani-kaninong nakikipag flirt.' Sabi niya na naluluha naman. Napatingin ako kay Tito na nakikipagtawan sa mga ibang babae, napailing nalang ako at inihatid si Ate sa kanyang kwarto. "Thank you Raselle ah." Sabi niya na yumakap sa akin. "Okay lang Ate, hayaan mo kung maibalik ang utak ng pinsan ko. Sigurado ako na mag-sisi yun. Ano kaya kung mag pagselosin mo siya Ate, alam mo may mga kaibigan ako. Ang gwa-gwapo pa nila." Sabi ko na sumimangot siya. "Sino naman sila?" Agad na tanong niya

