Raselle's point of view Pagkatapos ng aking klase ay dumeretso na ako kina Ate. Doon na rin ako matutulog dahil aalis sila ni Kuya Roger. Pagdating ko ay masaya akong sinalubong ng pamangkin kong si Maggie. "Tita ganda!" Malakas na sambit niya at ang kambal ay kumakampay ma ang mga paa ng makita ako. Niyakap ko ang aking pamangkin at umiyak ang kambal dahil hindi sila ang unang niyakap ko. Natatawa tuloy kami ng mga Yaya nila. Parang na dobleng Darren tuloy na sobrang possessive nila sa akin. Gusto nila sa kanila lang ang aking atensyon. "Etong mga bubulit na ito, kukurutin ko kayo!" Pagbabanta ni Maggie at mas lalong umiyak na ang dalawa. Natawa tuloy kami sa lalo nilang pag iyak kaya mabilis ko silang nilapitan at umupo sa sahig kasama nila. Mabilis silang gumapang at nagunahan p

