Vince's point of view Pitong araw nang hinahanap ko ang aking asawa, hanggang ngayon ay hindi ko pa natagpuan. I tried to call Adam, hindi ko siya ma contact. Ang sabi ng kasambahay ay sumama din siya kina Natan. Pumunta ako sa pantry at may nakita akong alak doon. Napagpasyahan ko na uminom, may driver naman ako na magmaneho. Dinala ko ang bote ng alak sa aking oipisina at habang naglalakad na ako ay binuksan ko na ito. Bago ako pumasok sa loob ng aking opisina ay lumagok na ako. Umupo ako sa sofa at hindi ko binitawan ang bote ng alak. Deretso itong itinungga ko at naubos ko na lahat. Bago tumama ang alak ay umalis na ako sa aking opisina. Agad akong sinalubong ng aking driver at body guard ng makita na akong papalapit sa kanila. Umalalay lang sila sa akin at nang nakapasok ako sa loo

