Melissa (POV) Habang inaayos ko ang isusuot namin ni Nat ay may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko ito at si Yaya, may dalang box. "Ano yan Ya?" Tanong ko na napatingin sa box na hawak niya. "Kay Nathalie daw." Sagot ni Yaya sabay abot sa box. Pagkaabot niya ay umalis din si Yaya. Isinara ko ang pintuan at napatingin sa baox. Tinawagan ko si Nat at sinabi niya na ang order na niya ito online. Excited akong buksan ito pero sinabi niya na hintayin ko siya dahil sinundo niya sa airport ang kanyang pinsan. Napailalim ako ng aking paghinga, for sure ito na yung pinsan niya na humalik sa akin noon. Nakilala ko si Rob sa school namin, I thought siya noon ang humalik sa akin pero nagkamali ako dahil bukod na masungit ito ay hindi niya ako kilala. Ang sabi sa akin ni Nat ay may kakambal si Rob

