Darren's point of view Hindi ako mapakali habang nasa klase ako. Parang gusto ko nang lumabas at iuwi si Raselle pero baka magalit lang iyon sa akin kung maglilibang ako. Natapos ang isang subject namin at may mensahe ang aking asawa. Wife: Kuya, Sa bahay na muna ako ni Kuya Rowan. Don't worry friday ay babalik ako sa condo. Mabilis akong lumabas at tumakbo papuntang parking lot at nakita ko si Daddy at Mommy Madel na pasakay na sa kanilang sasakyan. Nataranta ako hindi ko alam kung mag reply muna ako kay Raselle o lapitan sina Daddy. "Daddd" Malakas na sigaw ko at lumabas siya ulit sasakyan. "Dad, bakit kayo nandito?" Agad na tanong ko. "Pinatawag ang Mommy Madel mo. Na guidance si Raselle pero don't worry everything is okay now." Sabi ni Daddy. "Bakit siya mag stay kina Kuya Rowan

