Chapter 26 Sa mga sumunod na mga araw ay mas lalo nang nararamdaman ni Monina ang paghihirap sa paglilihi. Hindi siya makakain ng maayos dahil madalas niya itong isinusuka. Madalas na rin siyang antukin at laging matamlay. “Nakaganti rin ako sa wakas!” biro ni Darlene sa kanya. Nasa sariling opisina na sila ngayon ni Darlene at kumakain ngunit hindi niya ma-enjoy ang pagkain dahil parang hinahalukay ang kanyang sikmura. “Ano’ng ibig mong sabihin?” “Nakaganti rin ako, dahil ganyan din kahirap ang paglilihi ko noon.” “Sus! Akala ko naman kung ano na!” “Ganyan din kasi ako dati. Hirap akong maglihi. Lalo na kapag nasa dalawang buwan na. Lahat na lang yata mararanasan mo, at kapag sinumpong ka ng kapaguran daig mo pa si Juan Tamad na ayaw nang tumayo sa higaan at para kang madalas na la

