Chapter 28 Kinakabahang naglakad si Monina palapit sa bonggang bulwagan ng Mariwasa Resort habang kaagapay ni Israel suot sa guwapo nitong toxedo. Bigla siyang nakaramdam ng hiya nang pinagtitinginan sila ng mga tao roon. “Wow ang aga naman ni Lover boy!” sambit ni Thadeo na sinalubong sila. Medyo nakainom na yata ito dahil sa bitbit na whisky. “Are you drunk?” inis na tanong ni Israel sa pinsan. Mukhang siya ang napiling asarin. “No! I'm just happy that you are here!” sagot nito ngunit namumungay na ang mga mata. “So you are drunk, Mister run away boy! I'm not happy!” ganting biro nito. “Ikaw lang yata ang may birthday na hindi masaya. Bakit?” “Because of the nerd woman that i like!” Tumaas ng hindi sinasadya ang kilay ni Monina sa sinabi ni Thadeo. Bigla niya kasing naisip si Brid

