Chapter 40 Hindi nga nagkamali ng pinuntahan si Monina. Pagpasok niya pa lang sa entrance ng Unique Cuisine kung saan madalas magpunta ang kapatid ay agad niya itong nakita, kasama nito ang mga mayayamang kaibigan. Gulat itong napasulyap sa kanya nang senyasan ito ng isa sa mga kaibigan. Nagmamadaling lumapit ito sa kanyang kinaroroonan. “What are you doing here? Talagang ipinagyayabang mo pa 'yang kalandian mo sa akin!” galit nitong sabi sa kanya saka nanlilisik ang mga matang nakatitig sa maumbok niyang tiyan. Isang malakas na sampal ang tanging tugon niya sa matabil nitong dila. “Alam mo ba kung nasaan si papa ngayon?” naniningkit ang matang sabi niya. Sapo ni Danica ang kabilang mukhang nadapuan ni Monina ng mabibigat niyang kamay. “W-what do you mean?” Halata sa mukha ni Danica a

