Chapter 38 Nagising si Monina kinabukasan na wala na sa kanyang tabi si Lourd kaya't agad niya itong hinanap sa labas. Nadatnan niyang nag-aagahan na sina Darlene at ang anak nitong si Charles sa hapagkainan. “Hindi na kita ginising pa, mukha kasing napagod ka kagabi,” biro ni Darlene sa kanya nang malingunan siya. “Si Lourd?” tanong niya habang naglalakbay ang mga mata sa paligid. “Maagang umalis, mukhang may emergency sa hotel,” sagot ni Darlene. “Wala bang ibinilin sa ‘yo?” Biglang natawa si Darlene sa tanong niyang iyon. Huminto ito sa pagkain at matamang tumitig sa kanya. “Akala ko ba galit ka sa kanya? Bakit ngayon mukhang interesado ka na at feeling asawa pa na kay raming tanong,” mahabang usisa ni Darlene sa kanya. Inirapan niya lang ito at nagmamadaling bumalik sa kuwarto n

