Chapter 45

1415 Words

Chapter 45 Matapos ang nakaw na sandali at masinsinan nilang pag-uusap ni Lourd ay umuwi na rin siya ng bahay. Kanina pa talaga naninigas ang mga dibdib niya dahil sa gatas na hindi niya mailabas. Hindi kasi tinangkang sakupin iyon ni Lourd dahil ayon pa rito, ang dibdib niya ngayon ay hindi na para rito kung hindi para na sa anak nila. Hindi na niya matiis pa ang sakit kaya nagkukumahog na siyang makauwi kaagad. “Oh, anak. Bakit ngayon ka lang? Padedehin mo na itong anak mo at kanina pa umiiyak. Ang sabi mo ay sandali ka lang,” salubong kaagad ng kanyang ina pagdating ng bahay. “Pasensiya na po,`Nay, kung natagalan ako,” tugon niya naman habang patungo sa lababo. Agad niyang iniangat ang suot na bestida at itinapat ang dalawang dibdib sa gripo at hinugasan iyon. Ganoon ang ginagawa ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD