Nadating namin ang Ospital na ngayo'y sobrang tahimik, halos kuliglig lang ang aming naririnig sa buong lugar.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid at ganon nalang ang aking pagtataka nang makita ang mga nakakalat na sandatang pandigma.
Madaming dugo ang nagkalat sa daan hanggang sa nasulyapan ko ang tarangkahan ng Ospital.
Namilog ang aking mga mata at tinakpan ang aking bibig gamit sa sariling palad.
Napaatras ako bigla nang mapansing bukas na 'yon at parang wala ng tao.
"H-hindi to maari!" bahagyang bulong ko.
"Anong nangyayari dito?" naguguluhang sabi ni Commander.
Unti-unti silang lumapit doon na para bang sinusuri ang paligid, maging ang mga sandatang nakalatag sa lupa ay tinignan din nila.
Napasulyap ako kay Yna na nanginginig na nakatingin sa akin at naawa akong makita siyang nagkakaganon.
Hanggang ngayon ay sinisisi niya parin ang kaniyang sarili dahil nagdududa parin siyang dahil 'yon sa karne.
"Walang tao dito at pati ang aking mga kawal ay nawawala." seryosong wika ni Commander at malamig ngayon nakatingin sa akin.
"Hindi niyo sana binuksan pa ang Ospital, mas lalo lang tayong mahihirapan ngayon dahil nakatakas na silang lahat." seryosong saad ko at napatingin na din sa akin ang kasama ni Commander.
"Tulong!"
Sabay-sabay kaming napalingong tatlo nang marinig namin ang pahapyaw na sigaw ni Yna.
Ganon nalang ang pagkagulat ko ng makitang inaatake na siya ngayon ng mga nakakatakot na mga nilalang na ito.
Kaagad na sumugod si Commander at ang kasama niyang kawal na ngayo'y pinagtataga na ang mga nilalang.
Kahit anong pagsaksak na gawin nila sa mga taong ito ay hindi man lang natatablan at bumabangon din kaagad.
"Anong klaseng mga nilalang ba ito!" natatarantang wika ni Commander habang nasa likuran niya lamang si Yna.
"Sa bandang dibdib ang punteryahin niyo!" sigaw ko at sabay-sabay nilang pinagsa-saksak ang mga taong 'yon sa may dibdib.
Nang isa-isa silang bumulagta ay ay tumakbo na silang tatlo sa aking gawi.
Pasulyap-sulyap kami ngayong tumatakbo sa nga Disease. Patungo kami sa gawi ng kabayong aming sinakyan kanina.
Umiiyak na lumapit si Yna sakin habang pagalit na sumulyap si at Commander at ang kawal sa gawi namin.
"Kailangan niyong magpaliwanag sa amin!" malamig na sabi ni Commander habang hinihingal parin.
Dali-dali siyang sumakay sa sariling kabayo at seryoso tinititigan si Yna.
Naluluha parin ngayon sa takot ang aking kaibigan at pasinghot-singhot na sumusulyap sa akin.
"Umalis na tayo dito, mukhang delikado na para sa atin ang manatili pa sa lugar na ito." sinenyasan niya si Yna na sumakay sa kaniyang kabayo at aligaga naman siyang sinunod ang utos ng Commander.
Habang naglalakbay kami patungong White Mountain ay may iilang sumusunod sa aming mga taong "Disease" o taong may sakit.
Nakasaad sa Doctor's Journal na "Disease" 'di umano kung tawagin ang mga taong iyon.
Ngunit hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng 'to parang gusto kong maiyak sa mga nangyayari ngayon.
Hindi ko lubos maisip na biglang magkakaganito, parang kailan lang masayang-masaya kong ginagamot ang mga pasyenteng nandoon pero ngayon nabulabog ang lahat dahil sa Estrangherong yon.
Kung sino man siya... Napakasama niya!
Natitiyak kong madami na ang mga taong nahawa, hindi ko na alam kung ano ang gagawin namin. Kung papaano ito malalabanan o mapipigilan.
Habang malalim ang aking iniisip ay hindi ko namalayang nakabalik na pala kami sa bundok. Sa paanan pa lamang ay gusto ko ng bumaba dahil gusto kong masaksihan kung hanggang saan kami nasundan ng mga Disease.
Nang biglang huminto ang Yoohan na ito ay tumalon ako mula sa kabayo.
"Zubii! Nababaliw kana ba? Bakit ka bumaba?" galit na tanong ni Yna habang nakasakay parin sa kabayo ni Commander, iritadong tumingin sa akin si Yoohan habang ako ay seryoso silang tinalikuran.
May titignan lang ako, gusto kong matunghayan kung talaga bang takot sila sa lamig.
Napansin kong huminto ang mga Disease sa paghahabol sa amin. Tinignan ko ang lahat ng Disease ngunit nakatayo lang silang lahat sa lupa.
"Totoo nga... Hindi nila kayang umapak sa nagyeyelong bahagi ng bundok na ito." bulong ko sa sarili habang tinatanaw parin ang mga nakakatakot nilang mga mukha.
"Tignan niyo... Obserbahan ninyo!" namamanghang sabi ko sa kanila at naagaw ko ang kanilang atensyon.
Iginala nila ang kanilang mga paningin sa lahat ng Disease na nasa baba. Ganon nalang ang pag-awang ng kanilang bibig nang tumakbo pabalik sa sentro ang mga nakakatakot na taong ito.
"Takot sila sa malamig." mahinahong sambit ni Yoohan at sabay na tumingin si Commander at Yna sa kaniya "Nabubuhay sila sa mainit, at hindi sa lamig." dagdag niya pa at sinang-ayunan ko ang pahayag niya.
Napansin ko ang malalim na iniisip ni Yna ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Nauna na akong umakyat sa kanila dahil gustong-gusto ko ng umupo.
"Tara na..." narining kong saad ni Commander at kasunod ko na sila ngayon.
Habang umaakyat ay hindi mawala sa aking isipan kung papaano ito maagapan.
Ano ang maari naming gawin para mahinto ang epedemyang to? Paano namin ito mapipigilan gayong wala na si Dok. Porro.
Siya lamang ang nakakaalam sa bagay na ito kung kaya't sobra akong nababahala ngayon.
Napasulyap ako kay Yna na ngayo'y nakaupo na din, tinatanaw ko si Commander at Yoohan na nakatayo malayo sa amin.
"Z-zubi, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Yna sakin at nagkibit balikat lamang ako.
Naramdaman ko ang paglapit ni Commander at Yoohan sa gawi namin kaya napaayos ako ng upo maging si Yna.
"Kukuha muna kami ng pang-gatong para naman mainitan tayo," kaswal na sabi ni Commander at tumango si Yna sa kaniya.
"N-natatakot ako..." pumiyok si Yna ng sabihin niya iyon sa akin, "Sinisisi ko ang sarili ko dahil bakit hindi muna ako nag-isip bago iyon tanggapin. Ni hindi man lang ako naghinala sa estrangherong 'yon. Napakalaki kong uto-uto, " naiinis na anang sa sarili at lumapit nalang ako sa kaniya upang daluhan siya.
"Walang may gusto sa nangyari Yna... huwag mo sanang sisihin ang iyong sarili." bulong ko habang hinahagod ang kaniyang likuran.
Ilang minuto ang lumipas tahimik kaming dalawa ni Yna, marami akong iniisip ngunit hindi ko maisatinig.
Nakabalik na sila Commander habang dala-dala ang mga pang-gatong, ibinagsak nila iyon sa lupa habang tahimik parin ang lahat ni walang nangahas na magsalita.
Naramdaman namin ang init nang umapoy na ang mga kahoy. Napaupo si Commander at kumawala ng malakas na buntong hininga.
"Oras na siguro para magpaliwanag." seryosong sabi ni Yoohan.
Nagkatinginan kami ni Yna at muli kong ibinaling ang paningin sa dalawa.
"Nasaan ang inyong Alpha? Kailangan namin siyang makausap tungkol kay Dok. Porro." seryosong tanong ni Commander habang nasa nay Yna ang paningin.
"Wala na si Dok. Porro," malamig na tonong tugon ko sa kaniya.
Nakita kong nagulat sila nang ibinalita ko iyon sa kanila.
Narinig ko ang pagsinghap ni Yoohan habang si Commander ay gulat na gulat parin.
"Anong kailangan niyo samin? Ito lang ang masasabi ko, wala kaming impormasyong maibibigay sa inyo. Dahil tulad niyo ay wala din kaming alam sa nangyayari ngayon," halos pabulong kong saad at napatitig sa kawalan.
"Ako nga pala ang Alpha, ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?" pakilala ko at naramdaman ko ang paghawak ni Yna sa aking mga kamay.
Takot na takot siya sa mga sandaling ito ngunit kailangan namin silang harapin upang matapos na ang kuryosidad nila.
Responsibilidad naming magpaliwanag dahil sa Ospital nagsimula ang lahat ng ito.
Napansin ko ang marahang pagtitig sa akin ni Yoohan, para bang sinasabi ng kaniyang mga titig na kasinungalingan ang aking sinabi.
"Hapon ng lunes inutusan niya akong mamitas ng herbal sa H-harden ng Zitadel."
Nasulyapan ko si Yoohan dahil naalala ko ang araw na iyon kung saan una kaming nagkakilala. Hindi parin mabura sa aking isipan kung gaano akong kinabahan at nanlamig sa paraan ng ipinapakita niyang emosyon sa akin.
"Pagkatapos naman nang pamimitas ko doon ay kaagad akong pumunta sa kaniyang silid. Nagulat nalang ako ng makita siyang nakahandusay at duguan sa sahig. Nangingitim na ang kaniyang labi at mangasul ngasul ang kaniyang balat. May huli siyang sinabi sakin bago siya tuluyang mahawa. Itama ko daw ang pagkakamali niya." sabi ko sa kanila nagbabadyang tumulo ang aking mga luha.
"Paanong nagkaganon sila? Saan nila nakuha ang sakit?" sunod-sunod na tanong ni Commander sa akin.
"Bago nangyari ang epedemyang ito m-may isang estrangherong nagbigay samin ng karne ng kambing. Syempre, tinanggap ko iyon dahil sa krisis na ating nararanasan sa buong kaharian..." mahinahong pahayag ni Yna.
Nararamdaman ko ang kaniyang takot ngunit nilalabanan niya ito. Kung ano man ang magiging reaksyon ng dalawa ay hinding-hindi ako magdadalawang isip na layuan sila.
"Niluto ko kaagad 'yon at masaya ang mga pasyente sa nakahain na pagkain sa kanila. Sobrang nagagalak ako dahil nasiyahan sila at ganadong-ganado kumain sa mga oras na 'yon ngunit lumipas ang ilang minuto ay nagulat nalang ako ng bigla silang sumuka at nanginig bigla." paliwanag ni Yna habang nilalaro ang kaniyang mga daliri dahil sa kabang nararamdaman.
"K-kung h-hindi ko sana niluto ang k-karneng 'yon ay wala s-sanang sakit ngayon," pumiyok siya ng sabihin ang litanyang iyon.
Hinagod ko ang kaniyang likuran at inoobserbahan ang bawat hakbang ng dalawa.
"Hindi mo kailangan sisihin ang iyong sarili, dahil sinadya ang lahat.." malamig na sabi ni Yoohan.
Napatingin ako sa kaniya maging si Yna at Commander.
"Y-yon din ang iniisip ko dahil nalaman kong ang kambing palang iyon ay isang eksperimento ni Dok. Porro," marahang sabi ko at naagaw ang kanilang atensyon.
"Eksperimento?" nagtatakang sabi ni Commander.
"Kung ganon hindi lang si Dok. Porro ang may alam sa kambing na iyon... Sinadya ngang talaga ang lahat ng 'to. Sinabayan nila ang krisis na nangyayari sa kaharian para maisagawa ang kanilang masamang balak." malamig na saad ni Yoohan at patuloy lamang ang pagtitig ko sa kaniya.
Hindi ko alam ngunit nakikita ko ang galit sa kaniyang mga mata.
Hindi parin ako makapaniwala na ang lalaking 'to ay isang kawal.
Sino nga ba siya? Sino ka nga ba Yoohan.
Follow me GorgeousCally
Thankyou for voting -,-
Wattpad: GorgeousCally