PINAGMASDAN ni Joaquin ang kabuuan ng Islang pupuntahan nila upang kunin si Isabel. Mula sa yateng sinakyan ay tanaw niya iyon dahil sa binicular na gamit. Nagtagis ang mga panga niyang hindi makapaghintay na maka-abot kaagad.
He fisted his arm squeeze the rails.
'' Make sure na nandiyan si Sabel kung ayaw niyong mabalian ng leeg.'' Aniya matapos malingon ang tatlong tauhan niyang manmanan ang binatang si Gilbert.
'' Sigurado po bossing. 'Yung lalaking si Kiko ang may-sabi...'' Deretsang saad nung isa sa tatlo.
Lalong nagtagis ang panga ni Joaquin at muling pinasidahan ng tingin ang hindi kalayuang Resort na pagmamay-ari ng Gustav. Mas lalong dumagdag ang pagkanais nitong makuha ang dalaga dahil sa magkakumpetensya na ang kanilang lahi mula pa noon.
And he so sure that Gal Gustav is Gilbert's brother.
'' You f*cking asshole... I can't let you stole my property.'' galit nitong bulong sa isipan at hinanda ang sarili.
NAPAHAPLOS sa sariling mga braso nito si Sabel at hinayaang mabasa ng maalong dagat ang binti niya. Nasa may kubo siya na dinadaanan ng tubig dagat ang ilalim niyon. Pumwesto siya ng upo sa sahig na may malalaki ang agwat ng harang kung kayat malaya siyang makakaupo.
Kumapa ang kaba at takot na may pag-alala sa puso niya. Ang makitang karga-karga ni Gilbert kanina si Sofie na may purong pag-alala sa mukha ay ikinalihim niyang paglungkot---kumikirot ang puso niya at hindi siya sigurado sa naging nararamdaman niya sa eksenang iyon. Alam niyang maliit lamang iyon na bagay pero para sa kanya ay dapat niya iyon ipagselos.
'' Hayst! Sabel... tangeg, ei mas maganda ka dun...wala kang dapat ipagselos.'' bulyaw niya sa sarili at sa sariling katangahan.
Isang pagpakawala ng buntong hininga ang pinakawalan niya bago napatingin sa malawak na karagatan. Parang kelan lang, ayaw na ayaw niyang sinusundan ni Gilbert...
''Hayst! mahal ko na siya...mama, I'm sorry. Mahal ko po ang lalaking 'yun.'' Nakangiti niyang sambit habang napapa-iling.
Nasa ganoong pagmumuni siya ay hindi niya napansin ang binatang tahimik lamang na nakikinig sa mga binubulong nito. Gilbert just watching her with a wide smile on his face habang hawak ang isang kumpon ng kulay puting rosas.
'' You can't resist my charm isn't?'' Pilyong aniya mula sa nakatalikod na si Sabel.
Mabilis na napalingon si Sabel at halos mauntog na ito sa harang sa pagmamadali niyang tumayo. Gulat at nasurpresa siya sa biglaang pagsulpot ng binata at tila naumid ang dila niya at tanging paglunok na lamang ng laway nito ang nagawa habang papalapit sa kinaroroonan niya si Gilbert.
'' For you'' Pag-abot ni Gilbert sa bulaklak.
Nanginginig ang kamay niyang tanggapin iyon at namumula ang pisnging naikagat ang labi. Hindi niya rin matiis ang pag-amoy sa bulaklak na ikinangisi ni Gilbert.
''Para saan naman 'to...hehe. Ang bango.'' Nakangiting aniya bago tignan sa mata ang kaharap.
Niilang hakbang lamang ni Gilbert si Sabel kung kaya't isang dangkal na lamang ang pagitan nila. Nalalanghap tuloy ni Sabel ang panlalaking amoy ng binata, ang amoy ng hininga nito na ikinapigil niya sa paghinga.
'' For staying here with me, Sabel...'' Anito habang sa mga mata ni Sabel ang tingin. '' I'm afraid after all... dahil kay Sofie alam kung---'' nahintong ani Gilbert ng iharang agad ng dalaga ang mga daliri nito sa kanyang labi.
'' Nagseselos ako...pero naiintindihan kita. Pero, bakit mo siya iniwan? D-dinala mo ba siya sa hospital?'' Pag-alalang tanong ni Sabel.
Bahagyang ngumiti't tumango si Gilbert. '' We've talk already, Sab...she know how I'm in to you...kaya wala siyang dahilan para pigilan kitang mahalin.'' Pagtapat ni Gilbert na ikinasigla ng mga mata ng dalaga at namumuo ang mumunting luha sa gilid ng mga mata nito.
Bigla niyang natutop ang bibig ng hawakan ni Gilbert ang kamay niya at sinuot doon ang infinite ring. '' Its perfectly fit.'' Sambit ni Gilbert.
Hindi naalintana ni Sabel ang pagluha matapos matitigan ang daliring may singsing.
'' Marry me Sab...'' Pagprupose nitong dugtong na ikinahikbi ng tuluyan ni Sabel.
Sunod-sunod naman ang pagtangong ginawa ni Sabel na ngayon ay nakangiti na dahil sa tuwa't sayang nadarama.
'' Yes! Gilbert. I'll marry you...I'll marry you.'' Sagot ni Sabel at kaagad na sinunggaban ng matagal na halik sa labi ang binata.
Isang masayang araw at gabi para kay Sabel at Gilbert ang araw na iyon. Halos sa kanilang dalawa lamang umiikot ang buong araw kaya't napagpasyahan ng binata na i-date si Sabel kahit sa isla sila. Yes, he prepared for everything mula sa mga magagandang desinyo na kumabit sa isang kubo at sa pag-arrange ng mesa at pagdating sa mga pagkain mula naman sa tulong nina Manang Soling at ni Merle kasama na doon ang iilang trabahador ng binata.
Its perfectly beautiful na ikinatuwa ni Sabel. Sa totoo lamang ay ngayon lamang niya nadama ang kakaibang tuwa't saya.
She's fall in love. And yes, si Gilbert lamang ang may kakayahang iparamdam sa kanya ang ganoong pakiramdam.
Hindi naman magawang iwaglit ni Gilbert ang mata sa magandang dalagang nakatayo sa kanyang harapan.
Sabel wearing a red Melody puff dress.
Tuloy lumitaw ang kaputian niya dahil sa suot nito.
A genuine smile traces on Gilbert lips habang papalapit ito sa pwesto ng dalaga habang nakangiti't inilahad ang kamay. Tinanggap naman iyon ng dalaga ang kamay niyang nakalahad ng walang pag-aatubili.
Gilbert kiss Sabel's hand. '' You're the woman, I should be the one to cherish Sabel.'' Magiliw niyang ani na ikanapula ng pisngi ng dalaga.
Gusto ng maiyak ni Sabel sa mga oras na iyon... kinikilig siya at natutuwa at the same time kinakabahan. Her wierd feelings just wipe away when Gilbert held her waist came closer to him at walang pag-aatubiling hinagkan sandali ang naka-awang niyang labi.
'' Your beautiful.'' Pagbulong nito matapos siyang halikan.
Natawa siya ng mahina at napakagat labi wala kasing mailabas na salita ang bibig niya at tila naumid ang dila niya. Sa bawat pagtama ng kanilang mga mata ay nababakas doon ang tunay nilang nadarama sa isa't-isa. Ika nga ''Action Louder Than Words''.
Bago pa man makatuntong ang dalawa sa mesang nag-aantay ay magkasunod-sunod na putok ang pumutol sa kasiyahang nadama nilang dalawa dahil pinalitan iyon ng kaba at pagkagulat. Sumunod naman doon ang pagsi-sulpotan ng mga armadong lalaki na hindi ligtas sa paningin ng Gilbert. Naalarma siya at kaagad na ikinubli sa kanyang likuran si Sabel at sinisiguro niyang walang sinuman ang magtatangkang agawin ang babaeng mahal niya.
'' Stay back there, Sabel.'' He calmly voice said.
Isang malademonyong ngisi ang kumawala sa labi ni Joaquin matapos tuluyang maabot ang destinasyong pupuntahan niya. Malaya nilang napasok ang Isla dahil wala ni isang nag-babantay at mukhang umayon ang panahon sa pinaplano niya. Nagmimilipit sa sakit sina Manang Soling at si Merle na parehong nakatali ng mahigpit at may takip ang bibig.
Kumunot ang noo ni Gilbert at napatanong sa lalaking papunta sa kinaroroonan nila maski si Sabel ay natakot na rin at kinakabahan. Hindi niya kilala ang lalaking nasa harapan nila pero bakit malakas ang hinala niyang ito ay si Mr. Sebastian?
Oh God? No!
Bigla niyang naitutop ang bibig sa inakalang iyon.
'' Give me back my Fiancee Mr. Gustav kung ayaw mong idaan sa dahas ang lahat.'' Seryoso ang mukhang utos ni Joaquin habang kay Sabel nakatitig ang tingin nito.
Natigilan saglit si Gilbert, naguguluhan ito at nalilito. Naikuyom nito ang kamao kasabay ng pag-igting ng panga niya't nakipagsabayan ng titig sa kaharap. Ginanap niya ang palad ni Sabel at pisilin iyon.
Bahagyang natawa ng pagak si Joaquin pagka-kitang hawak-hawak ni Gilbert Gustav ang kamay ng babaeng pakasalan niya.
'' Isabel, forget about me dear? Mukhang ini-enjoy mo yata ang pagtira sa pamamahay ng lalaking 'yan. At kinalimutan mo ang rason kung bakit kita hinahanap.'' May lamang anito.
Nahigit ng dalaga ang hininga at may takot at pangambang nakapa sa dibdib.
'' Ano bang sinasabi niya? Bakit ka niya kilala,Isabel?'' Nagtatakang tanong ni Gilbert ng humarap ito sa kanya.
Gusto ng maiyak ni Sabel ngunit tila naumid ang dila niyang mapasulyap sa mata ni Gilbert at makita ang kakaibang emosyon doon. Bakit ba nakalimutan niya ang dahilan ng pag-iwas nito sa kanya noon?
'' G-gilbert...'' Tanging naisatinig niya ng sumagot agad si Joaquin.
'' Fiance niya ako Mr. Gustav kaya may karapatan akong bawian siya mula sa'yo.'' Walang gatol anito.
Pagkasabing iyon ni Joaquin ay gumuhit sa mukha ni Gilbert ang panlulumo at dahan-dahang lumuwag ang pagkahawak niya sa kamay ng babaeng iniibig.
'' Totoo ba? Totoo ba Isabel...tama ba ang narinig ko?'' Sunod-sunod na tanong ng binata at nagbabasakaling hindi totoo ang maging sagot ni Sabel.
But the truth can't lie.
'' I-i'm sorry Gilbert. Sorry.'' tanging nasagot ni Sabel at sapat na iyon para malinawagan ang binata.
Naikuyom ni Gilbert ang sariling kamao at umigting ang panga nitong titigan ang dalaga. Sa lahat ng ayaw niya ay iyong taong sinungaling at may tinatagong sekreto. Pero nabulag na siguro ang puso't mata niya dahil hindi niya magawang magalit sa dalaga. Bagkos ay hindi nabawasan ang anumang dahilan sa pagmamahal nito para sa kanya