MONTHS PAST...
UNTI-UNTING nakilala ni Sabel ang ugali ni Joaquin may pagkabaliw ito minsan na hindi niya maiwasang hindi humanga. May pagka soft-sided naman kasi ito pero moody.
Inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga bulaklak ng hinanap niya ng mata ang binata, bumaba siya ng veranda at nadatnan na lang nito ang mahimbing na natutulog na lalaki. Sandaling minasdan ni Sabel ang maamong mukha ng binata saka napa-iling at dahan-dahan niyang kinuha ang librong hawak nito.
'' Anung ginagawa mo?'' Mulat ang matang tanong ni Joaquin.
Nanlaki ang mga mata ni Sabel at agad na binitiwan ang hinawakan ngunit maagap ang kamay ng lalaki at marahan nitong hinila ang kamay niya at agad na hinawakan sa pulsuhan.
'' Are you going to kiss me, isn't?'' Pilyong ngising sabi ni Joaquin.
'' Luh! ang kapal nito.'' Nanlaki ang matang agad na depensa ni Sabel at pilit na binabawi ang kamay kay Joaquin.
Bumangon ang binata at muli itong ngumisi ng nakakaasar bago binitiwan ang kamay ni Sabel.
'' Next time, huwag mo na ulit gagawin 'yun. Masama akong nagigising kapag wala sa timing.'' Seryoso ang boses niyang sabi.
Umawang lamang ang bibig ni Sabel matapos siyang ngitian ni Joaquin. Hindi naman siguro ito galit o nagbabanta.
NAGING tahimik ang buong biyahe nilang dalawa, kakatawag ni Freya sa kaniya at gusto niya itong makita para gumala. Hindi naman tutol doon si Joaquin pero bakit hindi na siya kinibuan nito?
Napabuntong hininga naman siya at naikagat ang ibabang labi.
Hindi na lang siya umimik pa at ipinikit na lamang ang kaniyang mga mata dahil mukhang wala sa mood ang katabi at baka magbago na naman ang isip nito at hindi siya papayagang makipagkita kay Freya.
'' Hindi ka komportableng kasama ako?'' Dinig niyang boses ni Joaquin kaya napadilat siya ng mata at mali ang ginawa niya dahil nakatitig sa kaniya ang binata.
'' Am I that looking bad guy for you, Sab?'' Muli nitong tanong na ikina-iwas kaagad ng mata ni Sabel.
Pinamulahan siya ng mukha sa klaseng tanong nito at hindi niya alam ang isasagot.
'' Don't mind it... Susunduin na lang kita mamaya kapag tawagan mo ako. I have my appointment to Mr. Tan.'' Pag-iba kaagad sa usapan ni Joaquin ng makitang hindi siya kinibuan ng dalaga.
He really hate the silence atmosphere kaya ginagawa niya ang alam niyang paraan para kausapin siya ng dalaga at ilabas ang saloobin nito tungkol sa kaniya.
But he's failed...he failed 'cuz his already fallin. Masakit man isipin ngunit, nakikisama lamang sa kaniya ang dalaga dahil sa pinilit niya ito at inipit ang ina niyang nabaon sa utang ang kanilang companya.
TAAS noo nakipagsukatan ng tingin ni Gilbert sa nakasalubong na lalaki. Months by ay unti-unti na niyang naibangon ang sarili at muling ibinalik sa dati ang lahat sa panahong lugmok siya dahil kay Sabel. And Sofie is with him in the time he need a companion.
Isang ngising nakakainis ang pinakawalan ni Joaquin at kampanteng humakbang dahil nakasalubong nito si Gilbert Gustav at hindi niya inaasahang magtagpo muli ang kanilang landas. Nakangisi niyang ibinulsa ang kabilang kamay at sandaling tumigil.
'' Kita mo nga naman ang pagkakataon. How's the feeling Mr. Gustav? Isn't feel empty,'' Ngising hinto niya sabay inilapit sa katabing babaeng maganda ang mata nito at sumilay ang kakaibang ngisi. '' She's beautiful, no dougbt...she's your new.'' Patuloy niya.
Naikuyom ni Sofie ang sariling kamao at nanggigil sa kaharap. Naramdaman na lamang niya ang paghawak ni Gilbert sa kamay niya kaya kumalma siya sa mga sandaling iyon.
'' Its none of your f*cking business, Mr. Sebastian. You have already taken mine but i assure you...babawiin ko mula sayo ang pagmamay-ari ko.'' Kalmado ang boses ni Gilbert at humakbang palapit sa kausap sabay tapik nito sa kwelyo ng kaharap.
'' Bantayan mo si Sabel dahil babawiin ko siya mula sayo. Gawin mo lahat, ilayo mo man siya sa'kin sisiguraduhin kung mapa sa akin din siya.'' Komportableng patuloy niya na ikinatagis ng panga ni Joaquin.
Marahang hinila ni Gilbert ang kamay ni Sofie at iniwan ang lalaking kausap.
Joaquin fist his arm and smirk smile. Marahan niyang inayos ang kwelyo ng kaniyang suot na damit saka humakbang paalis.
SAMANTALA masayang nagyakapan sina Sabel at Freya sa muli nilang pagkikita. Matapos kasi siyang inihatid at sinamahan sa Mall ni Joaquin ay nagpaalam na itong umalis. Napansin kaagad iyon ni Freya at sinimulang biruin ang kaibigan.
'' Si Mr. Sebastian 'yun diba? Bumait a.'' Ngising sabi niya habang sinusukat ang napiling damit at tumitingin sa harapan ng salamin.
'' Tsss... paki-alam ko? Moody ang lalaking 'yun, Frey. Kaya akala mo mabait.'' Masungit na sagot ni Sabel habang sa damit ang titig nito.
Hinarap naman siya ni Freya at wari'y kinikilatis. '' Hindi ka ba nagkakagusto sa kaniya? O nababaitan?'' Usisa pa niya.
Natawa ng pagak si Sabel at umiling bago sumagot. '' I admit, mabait siya Freya. Pero mas matimbang ang nararamdaman ko kay Gil. Siya ang mahal ko.''
'' Ow, akala ko kasi e, kawawa kasi si Gil. His really love you, Sab. Ginagawa niya ang lahat para mabawi ka niya.'' Ngiting saad ni Freya na ikinatigil sandali ng kausap.
Hindi na siya umimik pa, nami-miss na niya si Gilbert ngunit wala siyang makitang paraan para saktan ang kalooban ni Joaquin. Nagkausap na sila at ilang buwan na lang ang hihintayin niya para tuluyang makawala kay Joaquin at makalaya dito.
'' I have no reason to hate him anymore, Frey. At magiging masama akong babae dahil mas pinili ko ang kapakanan ni Mama.'' Baling nito kay Freya na nakangiti at hinawakan ang kamay niya.
'' Naiintindihan kita, sa nakikita ko kasi sa lalaking 'yun mabait naman, kaya lang napaka seryoso ng mukha. Alam kung maiintindihan ka din ni Gilbert, nasaktan lang siya at alam kung kaya ka niyang hintayin.'' Pagpanatag ni Freya na ikinangiti ni Sabel.
'' Sana,'' tipid niyang sabi at hinila si Freya sa kabila. '' Dun tayo.'' Turo niya.
Abala sa pamimili nito si Sabel sa mga magagandang heels display. Sa kabilang banda naman si Freya at bag ang nakita ng mga mata nito.
Si Sofie ang pumili ng damit na susuotin ni Gilbert at talagang nababagay naman ito sa binata. She had that beautiful smile habang inaayos ang kwelyo ng binata.
'' Naku, maam. Ang gwapo ng boyfriend niyo, bagay na bagay po kayo.'' Ngiting sabi ng saleslady na nagbabantay sa kanila.
Agad naman pinamulahan ng mukha nito si Sofie at matamis na ngumiti at sasagot na sana ng inunahan na siya ni Gilbert.
'' Kukunin ko na 'to, Miss.''
Tumipid lamang na ngumiti si Sofie at sinundan si Gilbert na ngayon ay naunang humakbang.
'' Gil, samahan mo'ko dun. Bibili ako ng bagong sapatos.'' Nakangiting sabi nito at hinila ang kamay ng binata.
Sinamahan naman siya ni Gilbert sa pamimili ng mga high-heels.
'' This will be fit for you, Sofie.'' Ani Gilbert ng mahawakan ang color nude high beaded-heels.
Kinikilig naman na sinundan ng mata ng bantay ang binatang hawak-hawak ang most sale nila.
'' Latest sale po namin iyan, Sir. At nababagay po 'yan kay Maam.'' Wika nito.
Ngumiti lamang si Gilbert sabay niyukuan ang dalaga sabay luhod nito para isuot kay Sofie ang hawak na heels. Kagat ni Sofie ang ibabang labi dahil sa tuwa at kilig. Sa simpleng ginagawa ni Gilbert ay nararamdaman nito ang kaniyang halaga.
Natigil ang paghakbang ni Freya ng makilala ang dalawang taong daig pa ang tunay na magkasintahan dahil sa ka sweetan. Ngunit huli ang ginawa niya ng sumunod sa kaniya si Sabel at tulad niya din ay nasaksihan ang dalawa.
'' Sab, dun tayo sa kabila.'' Sambit ni Freya ng makita ang sakit sa mga mata ni Sabel.
'' Freya, I'm okay. '' Pagtigil nito ng akmang hilain siya palayo ng kaibigan. '' I'm okay...'' halata sa boses niyang pagpigil humikbi.
'' Hindi ka okay, Sabel. Huwag ka ngang baliw diyan!'' Gigil na sabi ni Freya. '' Ikaw ang mahal ni Gil, kaya may karapatan kang sugurin siya, sampalin mo!'' Gigil niyang patuloy.
Mabilis na pinahiran ni Sabel ang paglandas ng ilang butil ng kaniyang luha at pumekeng ngumiti. Hindi niya masisisi si Gilbert kung si Sofie ang ipapalit niya dito.She had no reason anymore kung magmahal ng iba ang binata.
ITUTULOY!!!