HEAVEN'S POV
Pagkaupo ni kambal agad syang nagpakalumbaba sa upuan nya. Hays ito na ba ang simula ng pagkakaroon nya nga emosyon? Alam namin na ang pagiging demonyo nya ang dahilan kaya wala syang nararamdaman, but since we're in interacting with human there's a scientific explanation sa kondisyon nya. They say she have alexithymia kaya kahit may konti syang nararamdaman di nya parin maintindihan ito.. She don't know how to feel emotion. She May feel it but she can't even distinguish it.. she may know the word of the feelings but not the exact feeling..
Pero aaminin ko nakikita ko sya minsan na parang masaya? Minsan kasi may napapansin akong kinang sa mga mata nyang walang kabuhay buhay..
Mas lalong pinagtibay ang pagdududa ko nang makita ko syang tumingin kay Claude nang marinig yung hobbies nya, tss gusto nya din kasi mag stargazing.. at parang may saya akong nababasa sa kanya..
Hays hayaan nalang, baka namamalikmata lang ako.. hindi sya pwedeng magka emosyon, matututo lang syang masaktan. Baka matuto s'yang sumuway or what.. uhm nevermind
SCARLET'S POV
Pansin kong may kakaiba sa sarili ko ngayon, siguro dahil sa mismong araw na nabanggit niya.. di ko alam pero may parang kirot akong naramdaman.. tama ba to? Ano bang nangyayari sakin..
Tinignan ko siya nung mabanggit nyang mahilig syang mag stargazing. Di ko alam pero unti unting tumaas ang sulok ng aking labi, ito ba yung sinasabi nilang ngiti? Ang sarap pala sa pakiramdam ngumiti..
Di ko narinig pa ang sinabi ng sumunod sa kanya na sino ba yun? Akira at Xydent ba yun? Basta yun yun ehh. Ang weird ng sarili ko. Bat parang nalungkot ako. Ay ewan basta.. Namalayan ko nalang ng si kambal na ang nagpakilala.
"Peach Heaven Angelica Crimson, 18 born on September 3, I'm single and my hobbies are singing and painting" she said while showing her signature smile
Tumayo na ako dahil ako na din naman ang huling magpapakilala..
"Scarlet Demonize Hell Crimson, 18 born on 3rd day of September.. i usually do stargazing and reading" and with that ramdam kong tahimik ang buong klase.. tss ganyan ba talaga sila katakot sakin??
Napadako naman ang tingin ko kay Claude na kanina pa nakatingin sakin.. tinignan ko lang sya saglit at bumalik sa pagkakaupo at dumukdok sa desk ko. curious ka na naman sakin.. hays baka ikapahamak mo pa yan.. di mo alam ang kaya kong gawin.. kaya kong pumatay ng walang pag aalinlangan. In just a snap, you could be lifeless. Di mo pwedeng malaman kung ano ako.
I'm a demon, and I'm not a demon for nothing.
CLAUDE'S POV
Napayuko nalang ako ng makita kong napayuko si Scarlet sa desk nya.. hays ang lamig ng mga titig nya. Di ko alam pero parang may kung anong bumubulong sakin na alamin ang pagkatao nya..
Discuss about rules
Discuss and explanation about course syllabus..
"Okay class, see you next meeting" sabi ni prof Hannah
Agad namang nagsilabasan yung mga classmates namin.
"Uyy dude una nako ha, uuwi pa kasi akong dorm"
"Sure, ingat ka Ace"
"Haha yeah dude, salamat. Ikaw din"
" Segi bye"
Nag ayos na din ako ng gamit at lumabas na ng room. Andun padin yung kambal pero maya maya lang ay sumunod din ito.
Pagdating ng last subject namin which is 4:00-5:30 ng hapon ay ganun pa din yung naging tagpo, introduction ay discussion on course syllabus lang
Kinabukasan..
Nandito kami ngayon sa CAS main building kung nasan yung mga laboratory class namin.. specifically third floor, dito kasi sa floor nato ang lahat ng laboratory ng biology at dito din lahat ng lab classes naming cells (term called for BS BIOLOGY students) at ng lahat ng may biology subject.
Maya maya pa ay nandito narin kaming lahat, kalahati ng block namin ang nandito, bale twenty five kami ngayon kasi hinati ang block pag lab class na..
And as usual ang iingay nila. Natahimik lang sila nung may pumasok na professor, na sa pagkakatanda ko ay ito yung prof namin sa Botany lecture. So sya din pala yung lab instructor namin.
"Okay class good morning, again I am Hannah Coleman your lab instructor for Botany, so to begin with count one to five" sabi ni ma'am siguro grouping to..
Fast forward......
After counting ayun ka group ko si Scarlet ewan ko kung sino pa yung iba, sya lang kilala ko ehh bat ba?
"Okay go to your group and choose your leader" sabi pa ni ma'am.
"Okay since pagiging groupmates tayo over the whole semester, let's get to know each other, I am Nyx Selene Ramirez 21, an irregular second year student, you can call me ate nyx"
"Apollo Sean Hartford 19, Sean for short" sabi naman nung lalaki sabay titig kay Scarlet... tss
"Erebus Wayne Gonzales 18, you can call me Wayne" cold na sabi nya. Tss attitude neto haha joke lang pero parang ako lang din naman eh.
"Lexhander Claude Frost 20, Claude for short" sabi ko sabay humalukipkip.
"Scarlet Demonize Hell Crimson" yun lang yung sinabi nya. Tss attitude ng batang to ahh. Sabagay wag mo nalang siguro alamin kung gusto mo pang mabuhay.. nagyeyelo sa lamig ehh.. parang Antarctica eh
Pagkatapos nyang magsalita ay wala nang sumubok pang basagin yung katahimikan.. hehe nakakatakot talaga sya..nakatitig nalang ako sa kanya.. hays paano nya kaya nagagawang maging malamig kahit nakakasilaw yung kagandahan nya. Kulang yung salitang maganda para i-describe sya ehh.. maling mali... dyosa isa syang dyosa na nagsusumigaw naman sa kapangyarihan at awtoridad.. aish maski yata yung nagyeyelong si Erebus Wayne eh di kinaya.
"Ehem" tikhim ni Scarlet para basagin ang nanlalamig nyong jowa este convo nyo.. ay mali yung katahimikan pala.. tss anong kabaklaan yun ha Lexhander Claude Frost??
"So who's the leader?" she asked
"Si ate Nyx siguro, kung pwede" Sean replied habang nakatingin kay Nyx
"Shes an irregular student, I bet she has many things to catch up" malamig na saad ni Erebus
"Okay lang naman din sakin eh, walang kaso yan" Nyx replied with a smile
Magsasalita na dapat ako pero naunahan ako ni Scarlet.
"Nyx is busy catching up with her subjects, I suggest either Wayne or Claude to be the leader" sabay palipat lipat ng tingin sa aming dalawa ni Erebus.. tss
"I won't do it, I'd rather be a member than a leader" Erebus replied
Hoy dude so plano mong ako ang leader aba aba.. okay sana kung may secretary or assistant powny*ta
Sasabat na dapat ako pero inunahan na naman ako ni Hell... tss oo Hell naiinis ako sa kanya, di ako pinagsasalita..
"Okay Claude would be the leader" she said with finality in her tone
I sighed, no choice ako ehh.. t*ng*na. Di man lang ako tinanong kung gusto ko ba o hindi...
"Okay" mahinang saad ko
"Don't worry I'll assist you, if that's your problem" Hell este Scarlet again said in a cold and authoritative tone...
Okay buti naman kasi kung hindi edi ewan ko nalang.. haha pero final na talaga eh..leader ako?? Fvck
Nagpatuloy lang ang klase hanggang sa mag decide si prof Hannah na mag dismiss ng maaga since wala naman kaming ibang gagawin...
"Class be ready for your lab materials next meeting, if possible wear your lab gowns and bring your dissecting kit if ever you already have, that's all bye.. see you next meeting"
"See you next meeting ma'am" we all said in unison
Naglabasan na din yung mga kaklase namin isa isa.. si Heaven inaantay yung kambal nya, Si Ace naman inaantay ako... nasa labas sila nitong lab room na parang nag uusap din.. mukhang same group din sila ah..
"Ahm Scarlet" pag aagaw ko ng pansin sa kanya
"Hmm"
"Yung materials pala" patungkol ko sa dadalhing materials para sa lab Activity namin nextmeeting which is Thursday. Tumango tango lang sya. Maya maya pa ay tinawag nya sina Nyx, Sean at Erebus..
"Sean you make a group chat" sabi nya kay Sean
"Okay noted"
"Dun na din ba natin pag uusapan yung para sa Activity?" Erebus asked. Tumango lang sya..
"Uhm guys can I get your account para ma add ko?"
"Erebus Wayne"
"Nyx Ramirez"
"Claude Frost"
"Scarlet Hell"
Pagkatapos nun para kaming nilagay sa freezer.. wooohhh kinikilabutan ako
"Hehe guys accept nyo lang ha Sean Hartford" awkward na sabi nya... hahaha dude pareho lang tayo na parang binuhusan ng malamig at nagyeyelong tubig.
Pagkatapos nun, nagpaalam na kami sa isa't isa.
"Claude, make sure to add me or accept me either for our activities.. it would be easier for me to assist you if we could contact each other" woahh for the first time ang haba ng sinabi nya
"Okay accept mo nalang Scarlet" yup si Scarlet yun haha... buti nalang di pa nanlamig yung internal organs ko
"Uhm, can I get your number? Di kasi ako masyadong nag o-online eh" sabay kamot ko sa batok. Kasi naman eh nanghihingi ako ng number ng pinakamalamig na tao na daig pa ang Antarctica tapos parang napaka delikadong tao pa..
"Sure" sabay abot ng kamay.. kaya inabot ko sa kanya yung cellphone. Agad naman syang nag type pagkatapos ay binalik sakin ang phone.
"I named it Scarlet"
Agad ko naman syang tinext, hehe wag kang ano ha.. syempre para malaman nya number ko.. wag iba ang utak..tss
Nag buzz naman yung phone nya, Kita ko namang si-nave nya yun..
"Uhm Scarlet, una na ako"
"K, bye"
After that we waved our goodbyes. Whew nakahinga na din sa wakas, kanina pa frozen yung katawan ko buti nalang mainit init yung internal organs ko eh haha. Di joke