Her POV Halos hindi ako makapagsalita kahit na hinawakan na niya ang kamay ko. Nagpatianod na lamang ako nang patayuin niya ako at nagsimula kaming maglakad palabas. "p**n alert!" Natigilan ako nang marinig ang boses ni Xicarus. Naglalakad na kami at sila ang nasa likod namin. Sinulyapan ko sila at nakitang nagbubulungan ang tatlo. "Don't look at them, kitten." Tumingala ako kay Greg na seryosong nakatingin sa harap. Napanguso ako habang nakatingin sa kaniya dahil sa buhok niya. "Alisin na po kaya natin 'yan? Meeting with the headmaster pala ang pupuntahan mo," saad ko. Dumungaw siya sa akin sandali bago kami pumasok sa elevator. Kami naman ngayon ang nasa likod at nasa harap ang tatlo. "Nah, it's okay. You said I'm cute with this I mean cute ako kapag ganito ang style.." aniya at ba

