Her POV Napatunganga ako sa kawalan dahil sa ginawa nila. Ramdam ko ang yakap ng may pink na buhok sa akin sa likod. Samantalang ang nasa harap ay hawak ang kamay ko at nasa balikat ko ang kaniyang mukha. Nanigas lamang ako at hindi makagalaw. Should I push them away? Pero natatakot ako na baka isang mali ko lang na galaw at 'di nila magustuhan ay saktan na nila ako. Nagitla ako nang pabagsak na bumukas ang pinto. Nakita ko kahit na naka-upo sa sahig ang bagong dating. Napa-awang ang labi ko nang makita siya. Siya iyon! Ang lalaking na-encounter ko sa cafeteria. Ang lalaking nabuhusan ko ng soup at nagbanta sa akin. Huli na ang plano kong pag-iwas ng tingin. Nagkasalubong ang aming mata. Natigil siya sa paglalakad at kunot noo na nakatitig sa akin. Hawak hawak niya ang puno ng kaniyang

