Chapter 6

1689 Words
Her POV Nahintatakutang napaatras ako habang nakatingin sa tila bulkang sasabog na kanyang mukha. I bit my lower lip and my gaze dropped on my hand that's slightly shaking. Kakasabi ko pa lamang na iiwas ako sa gulo. Sinulyapan ko ang bandang likod kung saan naka-pwesto ang babaeng pumatid sa akin. She's busy chatting with her friends but there's a victorious smile on her lips. "Look at me," he said with overflowing anger in his voice. Unti-unti akong nag-angat ng tingin at kitang kita ko ang namumula niyang mukha. "Sorry.." I murmured. Tila lalo lamang siyang nagalit. Humakbang siya paabante. Napa-atras ako. Humakbang siya muli and before I can even step backward, mahigpit niya akong hinawakan sa braso. Napangiwi ako sa sakit ng hawak niya. I tried to wriggle to be freed but he's stronger than me. "Sorry, huh? What does your 'sorry' can do, f*****g stupid creature?" Napapiksi ako nang mas higpitan niya ang hawak sa braso ko. I'm sure that this will leave mark on my skin. "H-hindi k-ko naman talaga sinasadya.." nanginginig ang boses na saad ko. Madalas na akong nabubully sa school noon. Sanay na ako na sa bawat araw ay hindi natatapos na walang kakatwang nangyari sa akin. But today is different. Nakakatakot ang atmospera ng mga estudyante sa paaralang ito. And the guy in front of me is not an exemption. Sinalubong ko ang kan'yang mga mata. Tila nag-aalab sa galit ang kulay amber niyang mata. Maganda itong tignan, ngunit mas nakakatakot pa rin dahil puno ito ng iritasyon at galit. Nagkatitigan kami. He cursed loudly before letting me go. Ginulo niya ang buhok at tinapunan ako ng matalim na tingin. Agad kong sinapo ang hinawakan niya. "Don't f*****g look at me like that!" singhal niya. Kumunot ang noo ko. Ano ba ang klase ng tingin na ibinigay ko sa kaniya? "Huh?" maang na tanong ko. Unti-unting nawala ang takot sa akin. Medyo kumalma na rin ang aking sistema. Ngunit bumalik muli nang singhalan niya ako. "Stupid! Just get out of my sight!" aniya. Napatingin ako sa may bandang dibdib niya. He's wearing a blue v-neck shirt at bahagyang hapit ito sa kan'yang katawan. Namumula rin ang braso niyang mukhang natapunan ng soup. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at dinampi roon. "Kailangan basa," bulong ko sa sarili saka kinuha ang tray at nilapag sa lamesa sa tabi. Hinila ko siya paalis doon at lumabas ng cafeteria. "Why are you dragging me, stupid creature!?" singhal niya. Malakas siya at halos nadadala ako sa paghila niya ng kamay upang mabawi mula sa hawak ko, but I still did my best para mahila siya. Ilang beses kong narinig ang malutong na mura na lumalabas sa kaniyang bibig. Ngunit hindi ko na iyon pinansin. Hinahanap ko 'yong balon na nakita ko kanina. "Hindi mo ba ako kilala?!" tanong pa niya. Napangiti ako nang makita na ang hinahanap ko. Tumigil kami sa harap noon saka ko hinila ang timba na nasa loob ng balon. May laman itong tubig. Binasa ko ang panyo saka ito pinahid sa kaniyang braso na namumula. Umatras siya ngunit umabante ako para mapalapit sa kaniya. Hindi na ako nag-angat ng tingin para hindi na makita ang matatalim niyang titig. Nang matapos ay inangat ko ang kaniyang t-shirt ngunit agad niya itong ibinaba. Kunot-noong tinignan ko siya. Pulang-pula ang kaniyang mukha at masama ang tingin na ipinupukol sa akin. "What do you think you're doing?" aniya. "Uh... pupunasan ko 'yong nabasa ng mainit na soup," sagot ko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at sinabunutan ang sarili na para bang frustrated siya. Hinawakan ko siya sa braso at pinigilan ang ginagawa. "Bakit mo sinasabunutan ang sarili mo?" Pilit kong tinanggal ang kapit ng mga daliri niya sa buhok. Bahagya pa akong tumingkayad dahil hanggang labi lamang niya ang eye level ko. Bahagya niya akong tinulak saka pinagmasdan na tila weird akong bagay. "Bakit?" "You're really stupid, huh? You can't just undress me, stupid girl. Hindi ka ba nahihiya?" aniya. Napamaang ako. "Bakit, ano bang masama? Papahiran ko lang naman yan eh," mahinahon kong saad. Napakamot siyang muli at bakas na ang iritasyon sa mukha. Ano bang problema niya? Napailing ako at muling lumapit sa kaniya. Tinaas ko ang kaniyang damit para mahubad. "f**k!" Mura niyang muli. Tuluyan ko nang naalis ang damit niya. Pahirapan pa dahil mas matangkad siya sa akin. Sinulyapan ko ang kaniyang katawan. He has muscles on right places at hindi rin sobrang bulky. He have six pack abs. Binalingan ko ang panyo at muli itong nilublob sa malamig na tubig. Binalingan ko siya saka pinunasan ang mga namumulang bahagi. Hindi ko talaga alam kung ano ang gawin pero ito lang ang naisip ko. Dati, kapag napapaso ako na madalas sa kamay nilalagyan ko ng toothpaste. Magiging effective kaya 'yon dito? "The fvck! You're just acting normal in front of me who's half naked?" May himig ng pagkabigla sa kaniyang boses. Nagtatakhang nag-angat ako ng tingin at pinagmasdan siya. "What do you mean by normal? Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong kong muli. "Girls are dying to see my body. Halos maglaway sila kapag nakikita ako na walang damit," tila nagyayabang niyang saad. Ngumisi pa siya. "Talaga? Ah, okay," sagot ko at binalingan muli ang ginagawa. I don't know what to say. Ano ba ang dapat ko i-react? "Stupid, you're really pissing me off," aniya. Nabitawan ko ang panyo dahil sa pagkabigla nang sakalin niya ako. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa nanlilisik niyang mata. "Kanina ko pa 'to gustong gawin sa'yo. Do you know I can kill you now? On the spot?" Naglalaro ang ngisi sa kaniyang labi. Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi. My body started to tremble because of fear. My eyes began to water. "A-ano ba ang ginawa kong masama? H-hindi ko naman sinasadya 'yong k-kanina eh." Pilit akong nagpaliwanag kahit mahirap. His long fingers around my neck are choking me. Umalpas ang mga luha sa aking mata. Hindi ko naman talaga ginusto iyon. Sa paraan ng pagsabi niya ay tila totoong kaya niya akong patayin. Sapat na ba ang aksidente na iyon para sa kamatayan ko? At posible ba ang sinasabi niya na kaya niya akong patayin? Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan at natatakot ako nang sobra. Halos hindi na ako makahinga habang sakal niya ako. Tumingkayad pa ako upang abutin ang taas ng kanyang kamay dahil kung hindi ay mas mahirap para sa aking ang paghinga. He stared at me intently. Matalim ang kaniyang tingin at tikom ang mga labi. Maya-maya ay bigla niya akong binitawan. Napa-upo ako at umubo, pilit na hinabol ang paghinga. "Next time, be careful. A transferee, huh? Kapag nagkita tayo muli at may ginawa kang hindi ko nagustuhan, I'm not sure if I will still spare your life. You are lucky, but just for today." With that, tumalikod na siya at umalis sa aking harap. Pinanood ko ang kaniyang papalayong pigura. Nang hindi ko na siya makita ay tinakpan ko ng palad ang aking mukha at naiyak. Tahip-tahip ang kaba na nararamdaman ko. Parang nakaharap ko si kamatayan kani-kanina lang. He's a gorgeous man but scary as well. Ang nag-aalab niyang mata ay kayang-kayang palambutin ang tuhod ko sa takot. Mariin akong pumikit. God, guide me. Sana hindi ko na siya makita pang muli. Malaki ang academy. Posible naman siguro na hindi kami magkitang muli. Tumayo ako at inayos ang sarili. I should be careful next time. Naglakad ako paalis doon at napagpasyahang libutin muna ang paaralan. Basta kapag nakita ko ang lalaki na 'yon, iiwas na agad ako. Hindi ko maialis sa isipan ang nangyari kanina. Bigla-bigla niya akong sininghalan, I'm just trying to ease the pain. Bumaba ang tingin ko sa damit ko na basa. I sighed at lumiko muna pabalik sa building ng dorm ko. Naglakad ako patungo sa elevator. At halos mapaatras ako nang makita ang dalawang babae na pumasok sa cafeteria kahapon. Yung grupo na dahilan ng sobrang katahimikan sa cafeteria. If I'm not mistaken, it's Plus Élévee. Nag-uusap silang dalawa nang madatnan ko. Ngunit napalingon agad sila sa akin. Tumikom ang labi ng babaeng nagngangalang Ezperanza samantalang tinaasan ako ng kilay ni Xiela. Napayuko ako ng ismiran ako nito at muling bumaling sa elevator. Ilang segundo ang lumipas ay bumukas ito at niluwa ang isang babae. Bahagya pa itong yumuko sa dalawang babae bago nagpatuloy sa pag-lalakad paalis. Pumasok sila sa elevator. Hihintayin ko na lang ang pagbalik ng elevator. Kinakabahan ako kapag nasa paligid sila. "What are you waiting for?" Napa-angat ako ng tingin nang magsalita si Ezperanza. Napakalamig ng kaniyang boses at ganoon din ang kaniyang tingin. Napalunok ako at napatingin sa katabi nitong si Xiela na umismid. "Tss," usal nito. Wala akong nagawa kung hindi ay pumasok. Nakabibinging katahimikan ang pumainlang sa apat na sulok ng elevator. "Is there a program tomorrow morning?" I bit my lower lip upon hearing the voice of Xiela. Tila kakambal ng kanyang boses ang katarayan kaya bahagya itong nakaka-intimida. Tumikhim si Ezperanza. Pinilit kong huwag lumingon sa likod kung saan sila naka-pwesto. "Di ka pa nasanay, Xiela? Every year yun." Tugon nito. Tumunog ang elevayor, hudyat na nasa ika-apat na palapag na kami. Ibig sabihin malapit lamang ang kwarto ko sa kanila? Nang bumukas ang elevator, mabilis akong tumalima. "Wait." Nanigas ako nang maririnig ang ma-awtoridad na boses na 'yon. Mula kay Xiela. Humarap ako sa kanila kahit kinakabahan. Tumaas ang kilay niya. "Hindi ka ba nagkakamali ng building na pinuntahan?" Pinasadahan niya ako at ramdam ko ang panunuya roon. "Xiela," banta ni Ezperanza. Tumango ako. "You're a transferee, right?" Malamig na tanong ng isa pa. Tumango ako muli. Tila nalunok ko ang sariling dila. "What's your name?" Tanong pa nito. "Eirian Lopez," sagot ko. Bumaling si Xiela kay Ezperanza. "Told 'yah. Hindi siya iyon." Pinasadahan muli ako nito ng tingin, "Imposible. She looks so weak," aniya. Yumuko ako. Tumango si Ezperanza saka sila tumalikod at naglakad paalis. Ngunit nahulog ako sa malalim na pagtatakha nang marinig ang inusal ni Xiela. "He's crazy over the girl with the name Agape. And maybe, dumating na ang babae na 'yon. Kailangan natin syang makita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD